Merlyn “Tungkol saan?” seryoso niya akong pinagmamasdan. Napalunok ako bigla akong natakot na sabihin kay Bernard na pinagdududahan ko na si Philip ang nakasama ko noon sa hotel. Kapag nagsabi akong nagduda ako sa kapatid niya na ama ng baby ko. Edi, palalayasin niya agad ako rito sa mansyon niya, ng hindi pa inililibing si Philip. No! Hindi ko muna ito sasabihin sa kanila. Sa sunod na araw na lang kapag inilibing na si Philip. Doon, p'wede ko ng sabihin sa kanila ni mama Esmeralda. Hindi na nila ako mapipigilan na mag-stay rito. Maari na akong umuwi sa Maynila. Wala naman silang pananagutan sa akin kasi ‘yan ang gusto ni Bernard magkaroon ng ama ang baby ko. Hindi ko maatim na ipaako sa kaniya ang anak ko na hindi naman si Philip ang ama. Kaya lang bigla akong nalungkot sa mama Esmer

