CHAPTER 01
Merlyn
“Lumayas ka! Gaga kang babae ka. Pinahiya mo ako roon sa kaibigan ko,” bulyaw ni tiya Sally sa ‘kin at binigyan pa ako ng mag-asawag sampal at pagkatapos, basta lang nito binato sa mukha ko ang mga damit ko. Tahimik akong humikbi dahil sa aking kalagayan. Isa-isa kong pinulot ang damit kong nagkalat sa semento habang ang aking mata ay nanlalabo dahil sa aking luhang walang tigil na nag-u-unahan na pumatak.
Nag-angat ako ng tingin sa tiya Sally, nakikiusap ang aking mata na 'wag niya akong paalisin sa bahay. Madilim ang mukha ni tiya Sally habang ang dalawa kong pinsan nakatayo sa tabi niya. Malakas ang tawa tuwang-tuwa pa sa pinaggagawa ng mommy nila sa akin.
"Kawawa ka naman kasi napakatigas ng ulo mo?" nang-aasar pa na saad ni Sharon sa akin.
“Bilisan mo Merlyn habang naka pagtitimpi pa ako sa iyo. Kapag magtagal ka pa sa harapan ko sisipain na kita palabas ng bahay,” muling sigaw ng tiya Sally sa akin.
Ang hikbi ko kanina ay nagkaroon ng tunog. Unang pumasok sa isip ko ang aking anak sa sinapupunan ko. Yes, tatlong buwan na akong buntis. Saan kami pupunta ngayon ng baby ko. Wala rin akong trabaho dahil kasalukuyang estudyante pa ako. Tumigil nga lang ako noong malaman kong buntis ako dahil hindi ko kinaya ang pambubully ng mga classmate ko.
Galit na galit nga si tiya Sally ng malaman nito na buntis ako. Gusto pa niya akong ibigay sa lalaking nakabuntis sa akin e, hindi ko naman kilala anong hitsura. Paano ko iyon hahanapin. Tangi kong natandaan, mayroon itong buhay na balat sa balikat nito na kasinglaki ng piso. Malaki iyon kaya pansinin bago ako nagmamadaling umalis sa hotel na iyon, paulit-ulit ko iyon pinagmasdan. Nang sabihin ko iyon sa tiya Sally. Lahat ng mura at pangaalipusta ay natanggap ko. Sobrang tanga ko raw. Kung iyon lang daw ang basehan ko marami raw mayganun.
Kulang na lang kalbuhin ako ni Tiya Sally dahil sa galit nito sa akin. Pero ang labis kong iniyakan at sobrang nagpadurog sa akin. Nang sinabi n'yang natuwa siya na tumigil ako sa pag-aaral ko bawas daw gastos. Tama raw iyon, para hindi ako mahirapan sa mga gawaing bahay. Kaya lang naman daw siya nagtiyaga na paaralin ako dahil sa tito Caloy, pinsan buo ni mama si Tito Caloy at siya ang asawa ni tiya Sally. Nasa abroad kasi ang Tito Caloy. Ang alam noon ng Tito ko ay nag-aaral pa ako hanggang ngayon. second year college na ako at nineteen years old pa. Kaya nga natatakot ako ngayon para sa baby ko paano wala akong matitirahan.
Minsan naiisip ko ang unfair ng mundo. Bakit ang lupit nito sa akin wala naman akong natandaan na ginawang kasalanan.
Naging mabuti akong tao. Kahit na inaalila na ako ng pamilya ng tiyahin ko nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ako nagrereklamo. Kahit nga pagod na pagod akong sundin at unawain sila, pinipilit ko pa rin maging mahinahon dahil sila lang ang pamilya ko. Masakit hindi pamilya ang turing ni Tita Sally sa akin lalo na sina Sharon na anak niya.
Si tito Caloy lang talaga ang mabait kaya lang bihira naman iyon magbakasyon. Dalawang taon bago umuwi ng Pinas at isang buwan lang din nanatili rito. Doon lang ako maayos na makahinga kapag bakasyon ni Tito Caloy. Gusto ko iyon kapag umuuwi si Tito Caloy. Dahil mabait sina tiya Sally at dalawa n'yang feeling mayaman na anak kapag naririto si Tito ko.
Nang matapos kong samsamin ang nagkalat kong damit. Nag-angat ako ng tingin sa tiya Sally.
“Tiya Sally magpapaliwanag po ako bakit ko nilabanan ang kaibigan mo. Opo nasampal ko po siya dahil binastos po niya ako. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko,”
“Pwe! Napaka arte mo. Pasalamat ka nga gusto ka noon. Hitsura mo anong pinagmamalaki mo? Sa tingin mo may ibang magkakagusto pa sa ‘yo na hampaslupa ka naman at buntis pa ng walang kinikilala ama n'yang pinagbunbuntis mo. Swerte mo na nga kay Bogart, dahil mapera iyon. Pero tinakasan mo pa,” nanlilisik ang mata ni tiya Sally at dinuro niya ako sa noo ko.
Nanlalabo na ang aking tingin panay iling. Ibang klase itong asawa ni Tito Caloy. Dahil lang sa pera okay lang na bastusin ako. Okay lang na mapahamak ako. Pero iyong kaibigan pa rin niya ang iniisip niya.
“Tiya Sally, maawa ka naman sa akin. Wala po akong ibang mapupuntahan,” pakiusap ko at lumuhod pa sa harapan niya ngunit walang awa lang akong kinutya at pinagtawanan pa.
Ganito sila masaya kapag nakikita nilang umiiyak ako. Isinilang yata ako sa mundong ‘to na gawing katawa tawa sa kanila dahil lang maaga akong naulila at walang kinilalang ama. Minsan tinanong ko si mama kung saan ko makikita ang papa ko. Iiyak si mama at hihingi ng tawad sa 'kin dahil hindi niya nakilala ang taong naka buntis sa kaniya. One night stand ang nangyari. Mahaba raw na istorya kung kwe-kwento niya sa akin. Biktima lang daw siya ng mga kaibigan n'yang pinagkakatiwalaan ngunit pinahamak siya.
Simula ng magkaisip ako. Inalila na kami ni Tiya Sally, lalo na ang mga anak nito nagmana sa tiya Sally sa gaspang ng ugali. Mga buhay prinsesa. Kahit kaya nila gawin iaasa pa sa akin minsan sa mama.
Lalong naging mahirap ang buhay ko ng pumanaw si mama. Ang nag-iisang taong tagapagtanggol ko at sumbungan ko kapag mayroon nang-aaway sa akin. Iniwan na ako ni mama at hindi na kailanman babalik dahil nasa heaven na.
“Tiya Sally. Nagmamakaawa po ako. Please, ‘wag n'yo po akong paalisin dito. Wala po akong ibang matitirahan. Parang awa mo na.”
“Mommy! Wag mo po sabihin naawa ka r’yan. Palayasin mo na iyan mhie! Inaagaw niya ang boyfriend ko. Nakita ko nakangiti sila sa isa't isa,” sulsol ni Sharon. Sinamaan ko ito ng tingin.
“Wala akong gusto r’yan sa jowa mo. Lalong hindi ko iyon aagawin at sayong sa'yo na Sharon, at doon mo sabihin sa Jowa mo lapit nang lapit sa akin.”
“Narinig mo iyon mommy. Malandi iyan mana sa ina niya. Sabagay saan pa magmamana sa Nanay niya parehong binuntis lang pero hindi pinanagutan,” nagpaawa ito sa tita Sally, kaya lalong galit na galit si Tiya Sally sa akin. Mariin kong naikuyom ang kamao ko at tumayo ako yakap ang mga damit ko.
“Tiya Sally….” napaigik ako dahil pahila nitong hinawakan ang buhok ko. “Tiya m-masakit po,” pakiusap ko na bitiwan na niya ang mahigpit n'yang kapit sa buhok ko.
“Umalis ka sa pamamahay ko at ‘wag ng magpapakita kahit na kailan!" walang kasing lamig ang bulong ni Tiya Sally sa akin. Humagulgol ako at nakiusap pa 'wag akong paalisin. Ngunit nanlaki ang aking mata ng tinulak nila ako sa balikat ko. Buti na lang hindi ako nabuwal. Sa sobrang takot ko sa baby ko. Dali-dali akong umatras. Anak ko lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas ayaw kong may masamang mangyari dito. Kapag mawala ito sa akin hindi ko kakayanin.
"O-opo aalis na 'wag niyo lang po ako itulak," sagot ko sa kanila. Laglag ang balikat ko na lumabas ako ng bahay nila tiya Sally.