CHAPTER 02

1594 Words
Merlyn “Merlyn sandali!” humabol si Sharon. “Ito plastic bag. Baka naman sabihin mo masama ang ugali namin ni mommy. Iyan binigyan pa kita para may mapaglagyan ng damit mo,” saad nito sabay bumungisngis. Mariin akong ipinikit ang aking mata para humaba pa ang aking pasensya sa pinsan ko. “Ayaw mo? Edi ‘wag! Tsk ang choosy mo naman ayaw mo nitong plastic bag. Layas na nga kung mamimili ka pa!” wika nito may kasamang pag-irap. Sabagay maigi na rin binigyan niya ako ng supot kaysa wala akong paglagyan ng damit ko. Hinablot ko sa kamay niya at walang lingon na tinalikuran ito. Narinig ko pa nanghihingi si Sharon ng thank you. Siraulo nito masasabi ko pa iyon pagkatapos nilang walang awa akong pinalayas sa bahay nila. Nang tuluyan akong makaalis sa bahay ni tiya Sally. Muli akong napaiyak sa aking kalagayan. Maaga pa naman maari pa akong maghanap ng pwede kong matuluyan kahit ngayon gabi lang. Bukas na bukas alas-sais pa lang ng umaga lalakad na ako para maghanap ng trabaho. Stay-in ang hahanapin ko kahit na anong trabaho basta marangal papatusin ko ng makaipon ako para sa baby ko. Malayo na ako sa bahay nila tiya Sally. Dumilim ang langit. Kumulog pa kaya nagpapadyak ako ng paa ko. Sa tingin ko alas-kwatro na ng hapon. Kailangan ko bilisan ang lakad para makahanap ng masisilungan. Mukhang mabigat ang bagsak ng ulan dahil sobrang dilim. Malakas na kumidlat napaigtad pa ako sa lakas niyon. Sa totoo lang natatakot ako. Ang kaba sa dibdib ko apaw hanggang langit. Nilalakasan ko lang ng loob dahil sa anak ko. Kung ako lang siguro baka masiraan na ako ng bait sa sunod-sunod na kamalasang na nangyari sa buhay ko. Pambihira naman oh! Grabe naman tinudo talaga ang kamalasan ko ngayon. Sana ‘wag naman isagad baka ako'y bumagsak. Umambon na kasi. Mahina pa sa ngayon hindi pa ako mababasa pero paano kung hindi tumigl panigurado basang sisiw ang labas ko. Shitty lumakas ang ulan binilisan ko ang lakad ko naghahanap ako ng pwede kong masilunagn. May nakita akong waiting shed sa tabi ng kalsada. Malapit na ako pero kung patuloy ang bagsak ng malakas na ulan. Useless din malay naman tumila positive lang ako ayaw ko ng mag-isip ng nega lalo akong pinanghihinaan kung iyan palagi iisipin ko. Hindi na ako solo ngayon kailangan kong dobleng lakas ng loob dahil ilang buwan na lang naman ang aantayin ko hindi na ako mag-iisa araw-araw na akong maymakasama at pangako anak. Hindi mo mararanasan ang sinapit namin ng lola mo. Iiwas tayo sa toxic na tao. Iingatan kita sa mga taong maaring manakit sa ‘yo. Promise ko iyon anak. Hinaplos ko pa ang halata ko ng tiyan pilit ang ngiti kahit may mainit na luha nag-unahan bumagsak sa pisngi ko. Hinayaan ko iyon na animo last ko na itong iyak kaya todo ko na dahil bukas puro na lang saya. “Ay!” napatili ako ng sunod-sunod na kumulog. Nanginig ako sa takot dahil may kasama pa iyon na kidlat. Bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakarating ako sa waiting shed pagod at nilalamig. Namaluktot akong umupo. Wala rin kasi silbi ang bubong sa lakas ng hangin at ulan tumatama pa rin sa aking katawan. Ang iyak ko parang nakikipagpaligsahan sa ulan. Kailangan kong makahanap ng bahay. Kapag tumagal ako rito baka bumagsak ako dahil nilalamig na ako. Nagpasya akong suungin ang nagsusungit na panahon para makahanap ng bahay na maari kong silungan. Naglakad ako kahit nangaligkig ako sa sobrang ginaw. May nadaanan akong bahay pero may gate pa hindi ako marinig kung tatawag ako. Sumubok ako ngunit bigo ako sa pagbabakasakali ko kaya nagpatuloy akong lumakad at malayo na rin ang nalakad ko. My God! Bakit ngayon pa ako nahihilo. Sobra na akong giniginaw. May dumaan na sasakyan pinara ko para humingi ng tulong. Hindi ako magtatagal babagsak ako dahil umiikot at nagdidilim na ang aking paningin. Shit! Nilampasan ako ng sasakyan na pinara ko. May nakita ulit ako na dalawang parating iyong nasa hulihin bumusina. Ngunit unti-unti ng tuluyan dumilim ang paligid ko. Anak ko ang naisip ko. Bago ako bumagsak. Sapo ng dalawa kong palad ang tiyan ko animo kaya niyon protektahan sino mang magbalak manakit sa baby ko. “Nasaan ako!” sigaw ko ng paggising ko nakahiga na ako sa kama at puro puting pintura ang aking nakikita. Pag-angat ko ng kamay ko nakita ko ang nakakabit na swero sa kanang kong kamay. Nasa ospital ba ako? C'mon Merlyn. Halata naman naririto ka dahil sa dextrose nakakabit sa kanan mong kamay. Pero….. huli kong natandaan nawalan ako ng malay sa gitna ng ulan. Wait! Sino ang nagdala rito sa ‘kin dito? Huli kong natandaan may dalawang sasakyan na parating bago ako mawalan ng malay. Isa ba roon ang tumulong sa 'kin at dinala ako rito? Pero iniwan lang ako w-wala akong ibabayad sa ospital na ito. Kailangan ko pala lumabas na wala akong pambayad dito sa ospital. Ni singkong duling wala akong hawak na pera at saan din ako kukuha ng pambayad. Bumaba ako sa kama. Saktong tanggalin ko sa kamay ko ang nakakabit na swero ngunit mayroon nurse na pumasok. “M-ma’m a-ano ang ginagawa mo?” nataranta ito at tumakbo palapit sa akin. Tinigil ko at humarap ako sa nurse. “Sorry nurse gusto ko na po lumabas dito wala akong pambayad,” “Hindi ka pa po tuluyang magaling. Mataas ang lagnat mo kagabi. Nahirapan nga kami dahil buntis ka at bawal uminom ng gamot. Cool patches for fever na lang ang inilagay namin kalaunan bumaba naman ang lagnat mo. Pero kailangan mo pa rin po magpahinga ma'am masyado po mababa ang baby mo. Nag-spoting ka. Kung hindi ka makikinig sa ‘kin. Maari pa siyang malaglag kaya kailangan mong doble ingat,” “Kasi nurse. Wala po akong pera mukha pa naman mamahalin ang ospital na ito.” Ngumiti ang nurse pinasadahan ako ng tingin. “Ma'am iyon lang ba ang inaalala mo? Sa tingin ko naman po kayang-kaya naman bayaran ng boyfriend mo kahit magkano ang bill mo sa ospital na ito." “Po?” bulalas ko. Boyfriend? Ni wala pa akong naging boyfriend. Sino iyon bakit gano'n ang pakilala sa akin. Pareho kami ni nurse napatingin sa pinto ng iyon ay bumukas. Napatda ako ng mayroon pumasok na lalaki. May hitsura naman ito masasabi ko na guwapo rin naman pero ewan ko nakukulangan ako. Mayroon itong necklace na silver sa leeg para bang rakista makapal ang kwentas nito. Bagay naman sa kaniya ang suot n'yang necklace at may suot din mamahaling relo. Naka maong pants at black t-shirt. Naglalaro sa mga five eight ang height nito. Nakangiting tumingin ito sa amin. Kumunot ang aking noo. Kinilatis siya. Ito ba ang tinutukoy ng nurse? Pero bakit wala akong makapa na pamilyar sa dibdib ko. “Ma'am siya po ang tinutukoy kong boyfriend mo,” “Siya?” “Opo boyfriend mo raw siya. Kagabi pa iyan nadito dahil binantayan ka.” “Kumusta ang pakiramdam mo?” nakangiti n'yang tanong. Hindi ko alam anong isasagot ko sa kaniya. Pinili ko ngumiti na lang. “Okay naman po,” tugon ko na kinahalakhak nito. “Really? Mukha ba akong matanda? Twenty six pa lang naman ako baka gusto mo lang malaman.” “Sorry,” tipid kong sagot. Hindi na ulit nagsalita ang bagong dating na lalaki dahil check ako ng bagong dating na nurse. May dalang thermometer nasa bulsa lang nito kaya pala hindi ko nakita pagdating niya. “Sir Philip. Wala na po siyang lagnat,” saad nito pagkakuha niya sa thermometer sa kili-kili ko. So Philip pala ang name nito? Inantay ko lumabas ang nurse. “Sino ka? Anong ibig sabihin noong nurse na boyfriend kita. Look mister Philip. Wala akong ibabayad sa ‘yo dahil hahanap pa lang ako ng trabaho.” “No need, Merlyn,” tugon nito. “Alam mo ang pangalan ko?” “Yeah,” saglit tumigil tinitigan ako sa mata ko. Kumunot ang noo ko pero ito nakangti lang. “Matagal na kitang hinahanap para panagutan ang nangyari sa atin. Bakit ka umalis ng umagang iyon. Hinanap kita pero ang galing mo pala magtago tila biro niya iyon. Nag-hire pa ako ng private investigator para ipahanap ka. Doon ko lang nalaman saan ka nakatira at papunta na dapat ako para puntahan ka sa bahay mo. Hindi na pala kailangan. Dahil nakita na kita.” “I-ikaw ang lalaki?” Nakangiting tumango si Philip. Bakit ganun maybahagi ng pagkatao ko na ayaw tanggapin siya ang ama ng anak ko. Masyado bang malaki ang damage ng pagkahilo ko kaya hindi buo ang paniniwala ko na siya ang kasama ko sa hotel.” Tama. Itatanong ko kung mayroon siyang balat. Sa panahon ngayon mahirap magtiwala. “Ehem!” “Kung ikaw iyon patingin ng balat mo.” Utos ko. Walang kakurap kurap na pinagmasdan siya. Napansin ko siya saglit itong natigilan at gumuhit ang kaba sa mata nito. Marunong lang magdala dahil parang isang blink lang ng mata nito nakangiti na ito ngayon at animo sinasabi ng ngiti nito confident s'yang may proof siya. “Para maniwala ka. ipakikita ko sa iyo,” Dahil naka t-shirt siya madali lang niya inangat ang manggas ng t-shirt upang ipakita sa 'kin ang balat nya sa balikat. Natigilan ako siya ba talaga ang naka one night stand ko? Lihim kong tanong sa isip ko. Ngunit same n same talaga ang nakita ko sa lalaki kasama ko sa hotel ang nakikita ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD