Merlyn
Tipid niya akong nginitian kaya ngumiti na lang din ako. Hindi ko lang matiis hindi siya sawayin dahil kanina pa niya ako pinagmamasdan.
“Salamat sa tulong mo. Kapag nagkaroon ako ng trabaho. I'll pay you back,” wika ko para makuha ko ang atensyon niya.
“Obligasyon ko na tulungan ka.You are carrying my child in your womb, so from now on it is my obligation to help you. Ako na ang bahala sa lahat,” saad niya sa akin kinamaang ko. Magandang pakinggan ngunit ayaw ko kaagad magtiwala.
“No! Hindi ko pa rin matatanggap ng libre. Basta kung magkaroon ako ng trabaho. Babayaran kita—”
Nagkamot ito sa kilay niya ngumiti at umiling iling. “Hindi rin ako papayag, Merlyn,” saad nito kinalunok ko. Seryoso kasi n'yang sinabi sa akin.
Maraming mapagsamantalang tao ngayon. Natuto na ako sa kalupitan nila tiya Sally sa akin. Kahit pa kamag-anak mo maari kang lokohin kapag hindi maging matalinong magdesisyon madali lang aapihin.
Ngayon pinalayas na nila ako sinumpa ko sa aking sarili maging matapang na ako. Para sa baby ko na nasa sinapupunan. Ayaw kong kaagad magtiwala kahit na may pinakita na siyang ebidensya sa akin, para sa akin hindi pa rin iyon sapat para tanggapin ko agad siya.
“Isa pa paglabas mo rito sa ospital. Magpapakasal na tayo—”
“What?” alanganin akong natawa. “Philip, iyong totoo rush ba ito? Parang nagmamadali ka,”
Mahina s'yang tumawa. “Dapat nga noon pa tayo ikinasal dahil nabuo ang isang gabi natin. Tinakasan mo lang ako kaya naantala ang dapat,” saad niya animo hindi siya papayag na walang mangyari kasal.
Paulit-ulit kong sinambit ang sinabi sa ‘kin ni Philip na pakakasalan niya ako. Ikakasal kami paglabas ko rito sa ospital. Maganda sanang alok iniisip ko lang kung tama ba na papasukin ko siya sa buhay ko? Sa ‘min ng anak ko? Kahit naman maging dalagang ina ako. Kaya ko, hahanap ako ng trabaho para buhayin ang aking anak.
Pero siya ang ama ng baby ko. Patuloy niya akong gugulihin para igiit ang karapatan niya sa anak ko.
Ang hirap naman nito. Noong nalaman kong buntis ako. Bumalik ako sa hotel kung saan niya ako dinala pero hindi ko siya nakita. Noon gusto ko s'yang panagutan niya ako. Ngayon nagbago na ang isip ko. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay kasama ng anak ko.
“Look! Hindi ako papayag na mag-isa mo lang itataguyod ang anak natin gayung natagpuan na kita. Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak ko, Merlyn. Kung kinakailangan dalhin ko ito sa korte gagawin ko—”
“H'wag!” bigla kong nasambit. Sinamaan niya ako ng tingin tila hindi niya ako pagbibigyan sa pagtanggi ko sa kaniya.
“Then marry me,” wika niya.
“Naguguluhan pa ako ngayon Philip. P'wede ko bang pag-iisipan muna? Masyadong mabilis ang pangyayari.”
Nakaunawa naman siyang tumango. “Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip. Ayaw ko ng hindi ang magiging sagot mo, Merlyn,” saad nito.
“Paano kung ayaw kitang pakasalan? Pipilitin mo ba ako? Maari mo naman madalaw ang anak mo. Bibigyan kita ng karapatan dahil ikaw ang ama niya. Pero Philip, ang kasal ay para lang sa taong nagmamahalan. Para sa akin sagrado ang kasal at kailangan pareho natin iyon gusto upang maging successful ang ating pagsasama,”
Malungkot itong ngumiti. Nagulat pa ako ng umupo ito sa gilid ng kama. Lihim akong napalunok. Hindi ko malaman kung naiilang ako sa mabilis n'yang kilos. Nanlaki ang mata ko ng abutin niya ang kamay ko at kinulong niya sa kaniyang kamay at nakangiti siyang nakatitig sa akin.
“Una ko pa lang kita sa ‘yo sa discohan na iyon. Naging interesado na ako sa ‘yo. Lihim akong nakasunod sa bawat kilos mo roon. Hanggang sa nakita ko ang kasama mo mayroon inilagay sa inumin mo. Nabahala ako lalo na nakita ko nagtatawanan sila. Ayaw kong mapahamak ka. Nilapitan kita para sana iuwi sa inyo. Ngunit may halong drugs pala ang wine na binigay sa iyo. At unti ng tumalab sa katawan mo. Ginawa ko ang lahat para iwasan ka. Ngunit mahirap tumanggi dahil gusto kita. Patawarin mo ako dahil sinamantala ko wala ka sa sariling katinuan,”
Nang maalala ko ang nangyari sa akin noon. Galit na galit ako sa apat kong classmate na itinuring kong kaibigan. Kinutya pa nila ako at pinagtawanan ng komprontahin ko sila. Gaga raw ako naniwala ako sa kanila na kaibigan ang turing nila sa akin. May bumara sa lalamunan ko ng sumagi sa alaala ko iyon. Nag-unahan pumatak ang luha sa aking pisngi at binalikan ang pagsugod ko kina Ashley isa sa classmate ko.
Pagpasok ko ng lunes nagtataka ako iba ang titig ng mga kapwa ko estudyante. Mas malala mga lalaki dahil hinuhubaran nila ako sa paraan ng titig. Narinig ko pa may nagsabi na malandi raw ako nakipag one night stand.
May lumapit na lalaki. Namukhaan ko ibang course ito. Third year college. Kung gusto ko raw babayaran niya ako. Matagal na raw niya akong type at gusto matikman. Nanliit ako sa aking sarili. Gusto ko sampalin sa bastos n'yang salita ngunit may lumapit pa na classmate nito natakot ako nagmadali akong iniwasan sila at nagtungo na sa classroom ko.
Hanggang sa classroom pinagtatawanan nila ako. Mas nagulat ako ng kasama sina Ashley na kasama ko sa discohan bubulong bulungan sila’t pinagtatawanan din ako. Suminghap ako anong nangyari kaibigan ko sila bakit ganun ang ginagawa nila sa 'kin.
Mabuti dumating ang professor namin. Tumigil sila kaya naman pagdating ng break time sinundan ko sina Ashley para makausap.
“Bakit n'yo nagawa sa akin iyon, Ashley!? Kaibigan ko kayo,” galit na galit ko silang pinuntahan sa comfort room ng dumating ang break time.
“Huh? Sa tingin mo naging totoo kami sa iyo, Merlyn? Kaya lang naman kami nakipagkaibigan sa i’yo dahil matalino ka kahit na hindi nag-re-review madalas perfect exam mo. May taga sagot ng mga asssingmemt namin. Mayroon tagagawa ng reviewer para sa exam namin. May gumagawa sa project namin. Iyon lang, Merlyn. Kaya ka namin kinaibigan.”
“Dahil lang doon?” tanong ko umpisa akong umiyak. “Tapos pinahamak niyo pa ako. Wala ba kayong mga puso!?” hagulgol ko.
“Sus ang arte mo. Guwapo naman iyong lalaki naka bembang sa ‘yo. Kung sa ‘min iyon masaya pa kami ang swerte mo nga dahil mabango at mukha pang daks. Akala mo kung sino ka porket nakuha lang virginity maka asta banal yarn? Mabuti nga pinagtiyagaan kanoon dalhin sa VIP hotel, isa ka lang naman katulong. Pasalamat ka nga hindi si Suarez, ang yumari sa ‘yo arte mo. Tsupi!” sabay nilang sabi at tinulak ako sa balikat ko. Tang-na iyong tinutukoy nilang Suarez kasama namin pumunta sa discohan. Classmate namin sa isang subject at anak mayaman. Pero kahit anak mayaman hindi ko type ang ganun kung makatingin parang manyak.
Napahagulgol ako ng maalala ulit ang masasakit na salitang natanggap ko sa buong campus dahil sa nangyari. Mas lumama pa ng magbunga ang gabing 'yon wala man lang akong kakampi. Sarili ko lang. Kahit na kamag-anak ko galit na galit sa akin dahil nabuntis ako at walang maiturong ama.
Niyakap ako ni Philip dahil naging emosyonal ako sa alaalang 'yon. Dahil din siguro wala akong ibang makakapitan yumakap din ako sa kaniya at umiyak sa balikat niya.
“Simula sa araw na ito wala ng mananakit sa iyo. Ako na ang kakampi mo pangako,” malambing n'yang bulong sa akin.