Merlyn Pagdating ng hating-gabi inaantok na ako subalit pinilit ko lang hindi makatulog dahil nga ako ang may gusto nito magtagal kami rito. Ano na lang isipin ng mama at ni Bernard. Mauuna pa akong matulog malakas loob na maglamay tapos Ako pala unang plakda. Ang hindi ko alam. Nakikita na ni Bernard panay hikab ko at minsan nakapikit na kaya nailing hindi nakatiis na pagsabihan ako. “Matulog ka muna kung inaantok. Gusto mong ihatid muna kita sa sasakyan? Mas okay naman doon kaysa rito nakaupo ka.” “Okay lang kaya ko naman,” tugon ko tipid pang ngumiti. “Bakit pala sa sasakyan? May bahay naman hindi ba pwede roon ako matulog?” “Iisa ang k'warto ng bahay ni Eman. Ayaw ko na doon ka sa sala o sa k'warto niya patulugin,” “Wala naman masama. Matutulog lang naman ako,” giit ko sa kaniya.

