Merlyn Una hinatid muna si Kendra. Malapit lang pala ang bahay nito sa Hacienda Natividad sabi ni Bernard sa ‘kin. Typical na bahay sa province ang nakikita ko sa bahay nila Kendra. Tila renovated lang at alaga sa linis kaya maganda pa rin iyon tingnan. Maraming mataas na puno kaya maraming dahon na walisin nalaglag sa lupa. Siya siguro ang mama ni Kendra nagwawalis sa bakuran nila. Itinigil ang ginagawa ng dumating kami para lumapit sa min. “Sir Bernard,” malayo pa sabi na nito kahit nakasarado pa ang pinto sa gilid ni Bernard. Sinabi ko bakit naka sarado kahit bintana buksan naman niya. Kaya binuksan niya iyon. Sakto lang nakarating na ang ginang at tumayo ito sa harapan. “Mabuti nakalabas na ang asawa ni Philip,” saad ng bagong lapit na ginang sumilip sa p'westo ko natatakpan kasi a

