Merlyn “Bernard,” tinawag siya ng mama ni Kendra para bang doon lang niya alam na narito ang ginang. Tumigil kaming maglakad dahil nahabol na rin kami. Tila naman nag-aantay si Bernard, kung anong sasabihin nito dahil tumango siya sa Nanay ni Kendra. Ako naman nilibang ang sarili ko tumingin ako sa paligid para hindi ako makarinig sa pag-uusapan nila. “Hijo, baka naman maari mo pang pagbigyan ang anak ko bumalik sa trabaho. Wala naman masama ang sinabi niya bilang kaibigan at sekretarya mo. Gusto ka lang niya protektahan. Concern lang siya dahil maraming oportunista sa panahon ngayon.” Tumikhim ako dahil halata ako ang pinariringan niya. Nakikita ko naman na gusto lang ako inisin ni Kendra noon. Kaya nasabi niya iyon sa akin. Hindi ko naman alam mabilis lang kay Bernard magtanggal ng e

