Merlyn “Hija, hindi dahil anak namin ni Ramon si Bernard ay panig na ako sa kaniya. Pareho ko silang anak kaya ako'y nasasaktan kapag nag-aaway sila noon ni Philip. Pakiramdam kasi ni Philip, mas pabor at mahal namin si Bernard at hindi n'ya nakikita na totoong anak ang turing ni Ramon sa kaniya.” Ngumiti ako sa mama Esmeralda. Buti na lang tumahan na ito hindi na umiiyak kagaya kanina. “Babalik na ako sa aking silid. Merlyn…dito ka na lang sa amin para maalagaan ko naman ang apo ko.” Ngumiti ako kahit ang totoo pilit lang dahil hindi ako makatanggi sa kaniya. Paano ba ang gagawin ko kung ganito kabait ang ginang sa akin. Sasabihin ko ba sa kaniya na duda rin ako na anak ni Philip ang baby ko. Paano kung hindi si Philip at random guy lang ang nakasama ko noong gabing 'yun. Willing pa

