Merlyn "Wait!" hinabol ko si Bernard, buti na lang hind pa siya nakalalayo sa pinto inantay din naman niya ako hindi pa nga lang humarap sa 'kin. "S-salamat....p-pasensya na kanina hindi ko mapigilan hindi sagutin ang bisita mo," saad ko sa kaniya. Muli s'yang humarap sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Pero hanggang ngayon ay seryoso pa rin talaga si Bernard. "Pinauwi ko na rin pala si Kendra at pinagbawalan ko na siyang magtungo rito," saad ni Bernard na pinagtaka ko. "O-okay l-lang naman siya pumunta rito sekretarya mo siya. A-ayaw ko lang na naman na pakialaman niya ako lalo na ang baby ko sa aking sinapupunan dahil tumatapang ako." "Hinding-hindi kita pinagdudahan may DNA test o wala," saad nito hinagod ako ng tingin. Napangiti ako para maalis ang pagkailang sa paninitig niya

