Mariin na inapakan ni Vincent ang selinyador ng kotse na minamaneho niya dahil sa taas ng bugso ng galit na nararamdaman niya. Balot siya ng galit at dismaya habang nagmamaneho sa gitna ng daan ng mga oras na iyun ay malakas din ang buhos ng ulan. Hindi niya inaasahan na magagawa siyang traydurin ng kaibigan niya at paglaruan ng babae na tinuturing niyang espesyal sa puso niya. Si Samantha,his childhood friend na kailan lang ay sinubukan nilang lagpasan ang pagkakaibigan nila pero pasamantala lang dahiL nalaman niyang pinagsasabay pala sila ng kaibigan niya at ang gago niyang kaibigan walang sinasabi sa kanya!
Marahil naging abala siya sa pagmamanage niya sa pag-aaari niyang Hotel & Restaurant at sa iba pang branch kung kaya wala siyang kamalay-malay sa nangyayari hanggang sa mahuli na lamang niya ang mga ito!
Muli nagpuyos sa galit ang dibdib ni Vincent ng maalala ang mga ito hanggang sa namalayan na lamang niya wala na sa control ang pagmamaneho niya hanggang mahuli na ang lahat. Namalayan na lamang niya na namamanhid sa sakit ang buo niyang katawan lalo na ang bandang ibabang bahagi ng katawan niya na alam niyang lubhang nasaktan mula sa pagkakaipit niyun. Malakas na bumangga siya sa isang malaking poste. Isang aksidente na nagpabago sa buhay niya.
Kasulukuyan,pawisan at panay ang biling ni Vincent sa kinahihigaan nito habang napapanaginipan ang bangungot na yun.
Malakas na bumukas ang pintuan at puno ng pag-aalala na ginising ng isang ginang ang binata.
"Vincent! Wake up! Wake up!" yugyog nito sa pamangkin.
Agad naman napamulat ng mga mata si Vincent.
"Your dreaming.." emosyunal na saad ng ginang.
Mariin na napapikit si Vincent. Agad na hinawi niya ang kamay ng tiyahin ng tangka nitong tulungan siyang makabangon.
Hindi niya kailangan ng tulong ng iba para makakilos siya. Kaya niyang mag-isa umupo kahit mahirap sa kanya na igalaw ang mga paa niya na wala ng silbi pa!
"Kaya ko mag-isa," malamig niyang saad.
Tahimik naman na hinayaan siya ng tiyahin niya.
Tiim-bagang na sumandal siya sa headboard ng kama niya pagkaraan ng ilang minuto na maayos niya maiupo ang sarili.
"May..may kikitain akong doktor bukas. Isa siyang mahusay na doktor,marami na siyang napagaling. Hindi lang siyang surgeon doctor,Vincent..she's very achievement doctor ,ob-gyne ,pediatrician..even a orthopedic! She's so amazing and multitasking doctor!"
"Hindi naman na kailangan pa ng doktor..tanggap ko ng hindi na ko makakalakad pa," malamig niyang saad.
"Hindi..may pag-asa ka pang makalakad,Vincent. Ikaw lang ito ayaw ng magpaopera,Vincent naman huwag mo naman sukuan ang sarili mo,I'm begging you,gusto na kitang bumalik sa dating ikaw,maloko at pasaway na bata!" mangiyak-ngiyak na saad ng tiyahin niya.
Ngunit nanatiling walang emosyon at matigas ang anyo niya.
Naikuyom niya ang mga palad na nasa ibabaw ng mga tuhod niya dahil sa aksidente iyun nawala na siya ng silbi sa sarili niya. The invalid businessman,Vincent Cestal.
Isang buntong-hininga mula sa tiyahin niya ang pumukaw sa kanya.
"Kung sumuko ka na,ako hindi pa..sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ako titigil sa paghahanap ng doktor na magpapabalik sayo sa dati..at sa oras na makabalik ka sa dating ikaw,sisiguruduhin ko na makakaganti ka sa dalawang yun!" mariin na saad ng tiyahin at walang paalam na lumabas na ng silid niya.
Muli niya naikuyom ang mga palad.
Ang dalawang yun!
Ang dalawang tao na pinahalagahan niya na siyang naglagay sa kalagayan niya ngayon samantala ang mga ito ay masaya sa isa't-isa.
Napatiimbagang siya.
Wala na siyang silbi kaya wala ng silbi pang gumanti sa kanila.