"Good morning,Dok!"agad na pagbati sa kanya ng assistance nurse ng kaibigan niyang obgyne doctor na si Shella. Isang ngiti ang tinugon niya rito.
" Kanina pa ba dumating yung kakausap sakin?"
"Mga kinse minuto na po," agad na sagot ng nurse.
Tumango-tango siya. "Okay,salamat!" aniya at agad na tinungo ang opisina ng kaibigan ilang hakbang lang ang layo mula sa reception area.
Ilang katok ang ginawa niya bago niya tinulak pabukas ang pintuan agad na sumalubong sa kanya ang dalawang pares ng mga mata na nakalingon sa kanya.
"Rosede! Pasok! Pasok!" agad na paglapit sa kanya ni Shella para halikan sa pisngi at yakapin na agad naman niya tinugon.
Nginitian niya agad ang isang ginang na nakatingin sa kanya. Tantiya niya na nasa kwarenta y añoz na ito pero sopistikada manamit.
Mukhang galante ang magiging client natin!
"Rosede,si Mrs.Lynda Cestal,my friend of mine," pagpapakilala rito ng kaibigan sa kanya.
Agad na inabot niya ang pakikipagkamay nito at napangiti siya ng ikulong nito sa pagitan ng mga palad nito ang palad niya.
"Salamat at pinagbigyan mo ang request ko na makausap ka,Dra.Graciano..ilang beses kong sinubukan na makipag-appointment sayo kaso hindi ako makasingit sa dami ng siniserbisyuhan mo," masuyo nitong sabi sa kanya."Dininig na ng Diyos ang hiling ko na makausap ka para sa pamangkin ko,"dugtong nito.
"I have a patient to attend to pero sa kabilang silid ko na kakausapin kaya iwan ko na kayo rito para makapag-usap kayo ng mabuti," paalam ng kaibigan na tinanguan nila.
Kitang-kita niya ang kadesperaduhan sa mga mata ng ginang. Kadesperaduhan na hingin nito ang tulong niya.
"Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo,Mrs.Cestal?" tanong niya.
Hawak pa rin nito ang kamay niya at naaantig ang puso niya dahil ramdam na ramdam niya ang pangangailangan nito sa kanya.
"Last year,naaksidente ang pamangkin ko si Vincent. Lower part ng katawan niya ang labis na naapektuhan sa aksidente iyun kung kaya hindi na siya makalakad,"agad na emosyunal na turan ng ginang." Pero sabi ng doktor na umopera sa kanya kailangan pa ng dalawang session ng operation para makalakad sya pero..lalagyan ng bakal ang mga binti niya,"may luha na sa mga mata nitong sabi. "Nang malaman iyun ni Vincent inayawan na niya magpaopera..gusto ko bumalik sa dati ang pamangkin ko,pasaway na bata at maloko pero..mula ng mangyari yun isang taon na niyang kinukulong ang sarili niya sa nakaraan,ni ayaw niyang tulungan ang sarili niya!" umiiyak na saad ng ginang pero may halong inis at awa sa kalagayan ng pamangkin nito.
"Sumuko na siya pero..hindi ako. Nang malaman ko ang tungkol sayo sa isang kaibigan din agad ako nakipagsapalaran na makausap ka pero..hindi naging madali dahil sobrang busy mo," anito na may munting ngiti sa mga labi nito. "Mabuti na lang nagkita kami ni Shella at tinupad ng Diyos na sa wakas makuha ko ang atensyon mo," masuyo nitong sabi.
Nginitian niya ang ginang. "Gusto niyong ako mag-opera sa pamangkin niyo?" aniya.
Agad na tumango ang ginang. "May isa pa sana ako ipapakiusap," anito.
"Ano ho yun?"
"Kung maaaring tulungan mo akong makumbinse siya na maopera pero alam kong hindi yun saklaw sa propesyun mo pero..wala na kong ibang mahihingan ng tulong. Mag-isa lang ako lumalaban para sa kanya. Kung maaari sana,Doktor..matulungan mo ako. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob!"anang ng ginang kita sa anyo nito ang pagmamakaawa na tulungan niya ito.
Hmm..mukhang challenging to ah!
" Sige ho,walang problema sakin,Mrs.Cestal,"agad na pagtugon niya sa pakiusap nito.
Labis na lumiwanag ang anyo ng ginang niyakap siya nito ng buong higpit na kinangiti niya.
Kailanman hindi niya tinatanggihan ang pagtulong sa iba lalo na sa ganitong pagkakataon na tila nakasalalay sa kamay niya ang buhay ng humihiling ng tulong sa kanya.
You are princess,anyway! Their life is in your hand!
"Salamat ng marami,Hija! Isa kang hulog ng langit!"
Natawa siya sa sinabi ng ginang. "Salamat,Mrs.Cestal..kayo pa lang nagsabi nyan sakin kasi lahat ng pasyente ko Grim reaper ang tawag sakin!" aniya sabay ngisi na kinatawa ng malakas ng ginang.
"Naku! Nagkakamali sila," anang ng ginang.
Magaan ang loob niya sa ginang. Lahat ng nakakausap niya na pamilya ng magiging pasyente niya ay hindi katulad ng ganito kagaan at madali nakuha ang loob niya.
Hmm,bakit kaya?
"Kung hindi sa nagmamadali ako nais ko sana na ipakilala kita sa pamangkin ko ngayon din," pukaw sa kanya ng ginang.
"Walang problema,Mrs.Cestal,nasa inyo ang buong araw ko," agad na tugon niya rito na labis na kinatuwa nito.
"Your such an angel,Hija!" maluhang-luhang saad ng ginang.
Agad na nilibot ni Prinsesa Rosede ang paningin sa kuboan ng bahay kung saan nakatira ang ginang kasama ang pamangkin nito. Mamahalin ang lahat ng gamit na nakikita niya.
May nararamdaman ka ba? Bigla akong hindi mapakali! Ang bilis ng t***k ng puso natin!
Noon lang natanto ni Prinsesa Rosede ang pakiramdam na yun.
Weird nga.
"Dra.Graciano.." pukaw sa kanya ni Mrs.Cestal na pasamantalang iniwan siya sa salas para puntahan ang pamangkin nito sa silid.
"Pasensya na pinaghintay kita..pinilit ko pa kasi si Vincent na harapin ka," matapat nitong sabi sa kanya.
Nginitian niya ang ginang. "Ayos lang,Mrs.Cestal. No worry, sanay na po ako sa nagiging pasyente kong bugnutin o mas malala pa dun,"pabiro niyang sabi sa ginang upang pagaanin ang pakiramdam nito.
"Salamat taLaga,Hija.."
Agad na natanaw niya ang nakatalikod na lalaki na nakaupo sa wheelchair. Nakaharap ito sa nakabukas na balkonahe ng silid nito.
Magkaka-heart attack ata ako!
"Vincent...nandito na si Doktor Rosede," pagtawag nito sa pamangkin.
Hindi agad tumugon ang nakatalikod na lalaki hanggang sa bigla magslow motion ang paligid nila ng dahan-dahan umikot ito gamit ang wheelchair nito.
"Malalaman niyo na siya ang mate niyo sa oras na tumibok ng ubod ng bilis ang inyong puso..ang puso niyo ang magsasabi na siya ang lalaking itinakda sa inyo,mahal na prinsesa.." saad ni Zei.
Napaawang ang mga labi ni Prinsesa Rosede ng magtama ang mga mata nila ng lalaki.
He's our mate!!!