CHAPTER 1: SHOCKED!
Jackie's Pov
Nasa kitchen ako nagluluto ng agahan para sa amin ng tita Millet ko. Nakaupo ito sa silya at nakaharap sa bintana habang nagkakape.
"Tao po, (TokTok) tao po...." pagtawag ng tao galing sa labas. Naglakad ako upang buksan ang gate,
"ako na iha, tapusin mo na ang ginagawa mo" saad ni tita.
" Okay po " tipid kong sagot. Nakatira lang kami sa isang bahay na luma dahil ito nalang ang tanging meron ako mula ng iwan ako ng mga parents ko. Nawala sila nong ako'y bata pa dahil sa aksidente.
"Jackie, is that you?"
Lumingon ako upang makita kong sino ang nagmamay-ari ng mala-baritone na boses. Nagtaka ako sa lalaking nakita ko, naka amerikano at pants na black. Nakasuot ng magarang damit at may dalawang body guards.
"Tita, sino po siya?"
Pagtataka kong tanong kay tita Millet. "Siya si Mr. George Salvador, dating amo ng mama mo."
"Yeah, she's right," tipid nitong sabi. "A-ah ano pong sadya niyo? " Tanging nasabi ko sa pagtataka kung bakit siya nandito.
" I'm here because I have a very important proposal for you?"
"A-ah sigurado po kayong hindi kayo nagkakamali ng pinuntahang bahay?" Pagtataka kong tanong.
" Iha, Ikaw talaga ang sadya niya" saad ni tita.
" Tita pano niyo alam?" Naguguluhan parin ako sa nangyari.
" I'm here to ask you to marry my son?" Tila nawala ako sa ulirat ng narinig ko ang mga katagang binitawan niya.
"Mr. Salvador, ser-yo-so po ka-yo? " Putol kong sabi sa pagkabigla.
" Hindi po ganun kadali magpakasal sa taung di ko pa po kilala" sagot ko sa sobrang pagkabigla.
" Iha, your mother and me are very close friend when she was alive" pagpapaliwanag niya.
" Mr. Salvador I'm sorry to say this, pero hindi po ako papakasal sa taung di ko gusto! Pasensya na po."
Nilapag ko ang sandok at umalis sa harapan nila.
"Iha, Jackie sandali ". Pagtawag ni tita sa akin ngunit hindi ko na pinansin.
Sino ba naman ang masisiyahan, ipapakasal ako sa di ko kilala tapos boto agad si tita. Wala lang ba talaga sa kanya ang nararamdaman ko. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa paborito kong tambayan, sa may tabing-dagat. Naiyak ako sa mga nangyari gayong wala na si inay at itay ipinamimigay na ako ni tita. Pwede naman ako maghanap ng trabaho upang nagkaroon kami ng pera kong talagang pera lang ang habol ni tita roon sa lalaking yon. Humagolgol ako sa sakit ng nararamdaman ko. Oo, mahirap lang kami pero hindi reason yon para ipakasal ako sa di ko man lang kilala.
George Pov
Nagpabook ako ng flight papuntang province to visit Lorna's daughter. Dati kong pinagkakatiwalaang kasambahay si Lorna. 5 years old palang si Jackie noon ng pinagbakasyon ko sila sa probinsya nila kasama si Jackie at Alex ang asawa nito. Namatay ang mag-asawa sa aksidente buti nalang nabuhay pa si Jackie. Nalungkot ako sa nangyari gayong wala ng magulang ang anak ng aking kasambahay. Kaya lage ko nalang itong tinustusan sa pamamagitan ng pagpapadala ng kunting pera kay Millet upang makabawi manlang sa kabutihan ng mag-asawa sa akin. Naisipan kong ipakasal si Jackie sa anak ko dahil tila di ito nagbabago laging lakwatsa lang ang alam pati ang pag-racing. Gusto ko itong maging responsible sa buhay. Kinabukasan bumalik ako sa bahay nina Jackie. Kumatok ako sa gate at pinagbuksan naman ako ni Millet.
"Where's Jackie?"
"Nasa loob sir George naglalaba" paliwanag niya.
Pumasok kami sa lumang bahay kasama ang dalawang body guard ko.
" Hi Jackie, good morning?"
" Sinabi ko na po sa inyo ayaw ko pong pakasalan ang taung di ko naman kilala at hindi ko rin po mahal" diretsahang tugon nito.
Jackie's Pov
" Iha, I have to do this, I will pass away after 1 year and my son is still in his irresponsible moment on life." Nabigla ako sa mga pinagsasabi niya.
" Ho? " sabay tingin ko sa kinaroroonan niya.
"Yes, mamatay na ako next year dahil may cancer ako sa utak at hindi na pwedeng gamotin. That's why, I want my son to be in good hands at alam kong walang iba kundi ikaw yon." Biglang tugon nito.
Dahil sa narinig ko napatayo ako mula sa pagkakaupo at tinigilan ang paglalaba. Umupo ako sa silya.
" I need your help iha" sa mga narinig ko batay sa pagkakasabi niya ay seryoso siya. Nalito ako sa mga pangyayare ng marinig ang mga katagang lumabas sa bibig niya.
" Sana maintindihan mo ako iha, I want the best for you and to my son. And I found a great idea to solve those problem. " Seryosong sabi niya. Natahimik nalang ako sa pangyayari hanggang sa nagpaalam sila.
" Think about my proposal. I hope you consider my reason iha."
Hinawakan ako nito sa balikat at umalis na. Tinignan ko nalang ang likod niya habang paalis siya. Naiiyak ako sa mga sinabi niya. Isang lalaking malapit ng mamatay ay humiling sa akin ng huling kahilingan. May karapatan ba akong tanggihan yon gayong naaawa ako sa kanya.
" Iha, ano na ngayon ang plano mo?" Saad ni tita.
" Pag-iisipan ko muna tita" tipid kong sagot at bumalik na ako sa paglalaba. Kinagabihan umiyak ako ng umiyak namimiss ko si inay at itay sana kong andito sila madadamayan nila ako sa pingdadaanan ko. Hindi sana ako magkakaganito.
Kinabukasan bumalik si Tito George, ganun pa din ang proposal niya.
" Do you already made up your mind iha?" tugon niya.
" Baka lang po pwede bigyan niyo nalang muna kami ng isang buwan bago ipakasal ng makilala po namin muna ang isat-isa ti-to." Pagpapaliwanag ko rito. "Yes ofcourse, you can" biglang sagot nito.
"Is that a yes?" Tanong niya.
Tumango nalang ako bilang sagot.
" Thanks Jackie, promise you won't regret for choosing this decision" saad niyang nakangiti. "Pack your things then we'll went to Manila" saad niya. "Oh, iha Tara tulungan na kitang mag-impake para sa pag-alis mo." Pang-aaya ni tita. Hinawakan ako ni tita sa kamay at tinahak namin ang kwarto ko. Di parin talaga nag-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. " Iha, mag-ingat ko roon ha, lagi Kang tumawag sa akin para naman hindi kita mamiss lalo" " tita naman ehh, parang hindi ko na ata kayang lumabas ng bahay niyan sa mga sinasabi mo" " Hindi iha, kailangan mong gawin to para kay Mr. Salvador. "