Napatingin si Jom sa direksyon kung saan nakatuon ang aking mga mata at nakita niya ang papalayong si Nick kaya alam niya ang dahilan kung bakit umakto ako na parang kahalikan ko siya. "Sorry," nakayuko kong sabi at hindi ko kayang tingnan si Jom sa kanyang mga mata dahil nagi-guilty ako sa aking ginawa. Ginagamit ko siya sa sarili kong interest at hindi ko man lang iniisip ang kanyang mararamdaman. "It's ok," matipid niyang sabi. Matapos ang eksenang iyon ay halos hindi ko na makuhang makipag-usap kay Jom dahil hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako. "Ahhhh...bakit mo kasi ginawa 'yun, Larah?" himutok ng utak ko habang bahagya kong pinupukpok ang ulo ko. Sadyang nadala lang talaga ako ng nararamdaman ko kanina kaya kung anu-ano na ang naisip kong gawin. "What's wrong? Masakit ba ang

