"Larah?" Dali-daling pinahid ko ang aking mga luha at agad na tumayo nang biglang dumating si Manang. "Manang." Pinilit kong ngumiti kahit na kagagaling ko sa pag-iyak. Tahimik kaming magkaharap ni Manang sa isang napakalapit na kainan sa hospital. Napaka-awkward sa pakiramdam dahil mula ng umalis ako sa bahay, ito 'yong unang beses ng paghaharap naming dalawa. "Mahal mo pa ba si Nick?" tanong niya. Napayuko ako at hindi makasagot. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi dahil talagang hanggang ngayon si Nick pa rin ang hinahanap ng puso ko no matter how hard I tried to forget him. Daig pa niya 'yong gayuma, sadyang ang lakas ng kapit niya rito sa puso ko. "Kamusta na raw siya?" Pag-iiba ko ng usapan. "Okay lang. Baka bukas, pwede na siyang lumabas." "Buti naman ho kung ganu'n." A

