Chapter 6

1525 Words
I am here right now in front of the hospital not because I want to abort my child but to know its gender and magpapa-check-up na rin dahil mula nang mabuntis ako, hindi ko talaga siya napa-check-up kaya nangangamba na rin ako sa magiging kalagayan niya lalo na at halos walang araw na hindi ako nai-stress dahil sa kanyang ama. Pagpasok ko sa room kung saan ako isasagawa ang pag-ultrasound sa baby ko ay bigla akong nag-aalangan nang makilala ko kung sino ang doktor na mag-aasikaso sa akin ngayon. Siya 'yong doktor na mag-oopera sana sa akin nu'ng nag-decide akong magpa-abort. "Good morning, doc," bati ko sa kanya. Nakita ko na bahagya siyang natigilan nang makita niya ako. Alam ko, naaalala pa rin niya ang insedenteng 'yun. "Come in," nakangiti niyang sabi. Pumasok ako pero ramdam na ramdam ko na nakasunod sa akin ang kanyang mga mata. Nang tingnan ko siya ay siya ring pagbaba ng tingin niya sa kamay ko. Napatingin siya sa kamay ko kung saan nakasuot ang wedding ring ko kaya pasimpleng hinawakan ko ang singsing para hindi niya ito makita at dahil sa ginawa ko, napangiti siyang nag-angat ng tingin. "Higa po tayo, Ms. Cardoval." Hindi nga ako nagkakamali, he still remember me. Dali-dali naman akong tumalima at humiga. Maya-maya lang ay sinimulan na niya ang pag-ultrasound. "Look at your baby," aniya habang nakatingin sa monitor. May kung anong sayang biglang sumibol sa puso ko nang muli kong nagisnan ang aking anak. "It's a boy," aniya saka tumingin siya sa akin habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa monitor. "Are you happy?" tanong niya sa akin. Tumangu-tango naman ako. After a couple of minutes. Natapos na rin ang pag-ultrasound sa akin. "Your baby is healthy," sabi niya habang nakaupo ako sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa,"...but it doesn't mean na hindi ka na dapat mag-ingat. You still need to be more careful dahil masilan ang iyong pagbubuntis," paalala sa akin ni Dr. Natividad. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nasa mabuting kalagayan ang anak ko sa kabila ng maraming nangyari sa buhay ko. Inayos ko na ang sarili ko matapos ako check-up-in ni Doc. "Thank you, Doc," sabi ko sa kanya. "Thank you." Nagtataka ako kung bakit siya nagpapasalamat sa akin, eh wala naman akong ginawa na dapat niyang ipagpapasalamat. "Thank you because you didn't abort your child," nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa kanyang mga mata. The way how he looks at me, para akong nakakita ng panibagong kaibigan sa kanyang katauhan. Sana 'yun din ang narinig ko galing kay Nick nang malaman niyang hindi ko itinuloy ang pagpa-abort sa anak namin. Pero, kabaliktaran ang nangyari. "I'm Jom Natividad," aniya sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa aking harapan. Napatingin ako sa kamay niya at hindi ko alam kung dapat ko ba itong tanggapin o hindi. Pero bago pa ako nakapag-decide, bigla niyang kinuha ang kanan kong kamay. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa. "Nice to meet you, Larah," nakangiti niyang sabi kasabay nu'n ang bahagya niyang pagpisil sa aking kamay na kanyang hawak. "N-nice to meet you, too Doc," nahihiya ko pang sabi. "Ba't hindi mo kasama ang asawa mo?" direct to the point niyang tanong kaya tuloy hindi ako nakapag-prepare kung ano ang dapat kong sagot. "Ok lang kung ayaw mong sagutin ang tanong ko," aniya nang hindi ako nakasagot kaagad. Inihatid niya ako hanggang sa labas ng hospital at laging pinapaalala niya sa akin na kailangan kong tingnan ng mabuti ang bawat aapakan ko para maiwasan kong madulas. Pinapaalala na rin niyang hindi dapat ako tulog ng tulog. Hindi dapat ako kakain ng mga unhealthy foods. Limitahan ko na rin ang pag-inom ng softrinks. Kailangan ko rin ang maglakad every morning. Ang dami pa niyang pinaalala sa akin na dapat ko raw gawin habang nagbubuntis ako. Nang nasa labas na ako ng hospital, siya na mismo ang tumawag ng taxi para sa akin. At nang may taxi'ng huminto sa tabi namin ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pagkatapos ay inalalayan pa niya ako papasok. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko para kapag nauntog ako ay hindi ako masasaktan. "Thank you, doc," sabi ko sa kanya. Nang maayos na akong makasakay sa back seat ng taxi ay agad niyang binalingan ang taxi driver. "Manong, ihatid niyo ho siya sa kanila at pakiusap din po, dahan-dahan lang po sa pagmamaneho para makaiwas sa disgrasya. Alalahanin niyo ho, buntis ang ihahatid niyo." Napatitig ako sa kanya. Namangha. Nabigla at the same time, nagtataka. Bakit ba ang bait niya sa akin? Bakit ganu'n na lang ang pag-aalala niya para sa kaligtasan ko at ng baby ko? "Yong bilin ko sa'yo, wag mong kalimutan," baling niya sa akin. "Opo, doc," sabi ko naman. Napapiksi ako sa pagkabigla nang bigla niyang hinawakan ang tiyan ko. Bahagya pa niyang ipinasok ang ulo niya sa bintana ng taxi. Kaya nanlaki ang aking mga mata dahil magkalapit ang aming mga mukha. "Baby, uuwi na kayo ni Mama. Magbe-behave ka para hindi masaktan si Mama habang nagbabyahe, ok? Kapag hindi ginagawa ni Mama ang mga sinabi ko sa kanya. Sipain mo siya huh," sabi pa niya habang hinahaplos-haplos niya ang nakaumbok kong tiyan. Hindi ko naman naiwasang napatitig sa gwapo niyang mukha. Mestizo, maamo at smiley. "At kapag laging nai-stress si Mama, sipain mo siya nang sipain para maalala niyang masama sa kalusugan mo iyon. Ipaalala mong kailangan niyang maging masaya at nakangiti lagi dahil..." sabi niya saka siya diretsong napatingin sa aking mga mata, "...nakabubuti iyon sa inyong dalawa," madamdamin niyang sabi habang nanatili siyang nakatitig sa kanya at ewan ko rin ba para na rin akong na-hypnotize kaya hindi ko na rin maalis-alis ang mga mata ko sa kanya. "Aray!" bigla kong sabi sabay piksi nang bigla ba namang sumipa ang anak ko sa loob ng tiyan ko kaya napahawak ako sa aking tiyan at hindi ko napigilang muling mapatitig kay Doc. Jom nang napangiti siyang muli niyang dinama ang tiyan ko. "Naririnig mo ako, baby?" hindi niya makapaniwalang tanong habang haplos-haplos pa rin niya ang tiyan ko. "Naririnig ako ni baby! Naiintindihan niya....." hindi na nagawang ni Doc. Jom ituloy ang iba pa sana niyang sasabihin nang bigla ba naman siyang lumingon sa akin at muntikan nang magkadikit ang aming mga mukha. Muling nanlaki ang mga mata ko at ganu'n na rin siya. Damang-dama ko ang maiinit niyang hiningang dumadampi sa mukha ko. Ilang sandali rin kaming nagkatitigan. Ilang sandali rin kami sa ganu'ng ayos. "D-doc," tangi kong nasambit. Nang marinig niya ang mahina kong pagtawag sa kanya ay agad siyang natauhan at dali-daling nag-iwas ng tingin. Ramdam ko na natataranta siya. Dahil sa kakaibang tensyon na namagitan sa aming dalawa ay dali-dali niyang inilabas ang kanyang ulo sa bintana ng taxi. Sa kanyang pagmamadali ay bigla siyang napauntog. Napangiwi siya sa sakit. Kinapa niya ang ulo niya at pilit na pinigilan ang sariling mapangiwi uli. "O-ok ka lang?" nag-alala kong tanong. "O-ok lang ako," nakangiti niyang sabi at agad niyang binalingan ang driver. "Sige na ho, Manong. Ihatid niyo na po sila," sabi niya rito. Agad namang tumalima ang driver at agad nitong pinatakbo ang taxi. "Ok ka lang ba talaga?!" tanong ko pa habang tumatakbo na palayo ang taxi. Bahagya ko pang inilabas ang ulo ko sa bintana at tiningnan siya. "Ok lang ako!" pasigaw niyang sagot saka siya nag-thumps up. Bumalik ako sa pagkakaupo ng maayos. Muli ko siyang nilingon, nakita kong kumakaway siya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang bumalik sa alaala ko ang pagkakauntog niya kanina. Alam kong masakit iyon dahil dinig na dinig ko ang pagkakauntog niya. "Ang swerte niyo po talaga sa asawa niyo, Ma'am," pahayag ng driver. "Huh?" nabigla kong tanong. Nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi ng driver ay agad kong sinabi sa kanya kung ano ang relasyon ko sa doctor na 'yun. "H-hindi ko po siya asawa, Manong. Siya po ang nag-aasikaso sa aking pagbubuntis," sabi ko rito. "Ahh...ganu'n po ba, Ma'am? Akala ko talaga, asawa niyo 'yun. Sobra kasi siyang nag-aalala sa inyo at bagay sana kayo," litanya pa niya. "Ehh...ang asawa niyo ho ba, ganu'n rin ba kabait kay Doc. pagdating sa inyo?" tanong niya sa akin na siyang nagpatahimik sa akin. Hindi ko maibuka ang aking bibig. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako? Pero bago pa man ako makasagot ay agad na siyang nagsalita uli. "Kung pareho ho kabait ni Doc. ang asawa niyo. Naku, Ma'am! Huwag niyo na ho'ng pakawalan kasi bihira na sa panahon ngayon ang ganu'ng lalaki. Karamihan ngayon, barumbado na at ang masakit pa du'n, irresponsable pa." Tuluyan ko nang naitikom ang bibig ko sa mga sinabi ni Manong driver. Sana nga, katulad ni Doc. Jom si Nick. Mabait, maalalahanin at responsable pero lahat naman 'yun, kabaliktaran. Kung sakaling hindi na babalik ang dating Nick, sana makatagpo man lang ako ng isang lalaking katulad ni Doc. Jom. Pero, may magmamahal pa kaya sa akin ng seryoso gayong may anak na ako? Parang ngayon pa lang, wala na. Basura nga ang tingin sa akin ng asawa ko, papaano na lang kaya sa mga mata ng ibang tao lalo na du'n sa mga hindi ako nakikilala personally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD