"Bawal 'yan sa'yo! Masyado 'yang matamis," saway sa akin ni Rica nang kakainin ko sana ang kinakain niyang dessert. Kasalukuyan akong nasa bahay nina Angel. Dahil alam ni Rica ang pagdalaw ko ay pumunta na rin siya since weekend, wala silang pasok. "Sige na, bigyan mo naman ako kahit kunti lang," pakiusap ko sa kanya. Ayaw sana niya pero dahil nga hindi niya ako matiis at dahil na rin sa takot na baka may hindi magandang maidudulot iyon sa anak ko ay binigyan na rin niya ako. "Thank you," nakangiti kong sabi. "Ang laki ng ngiti ng preggy natin, ah!" bungad sa amin ni Angel na kalalabas lang nito mula sa kusina dala ang juice na ginawa niya para sa amin. Inilapag niya iyon sa mesa na nasa harapan namin saka siya lumapit sa akin. "Padama naman," nakanguso niyang sabi saka niya dinama an

