Mahimbing nang natutulog si Nick nang pumasok ako sa kwarto namin. Nilapitan ko siya, nakatagilid siyang paharap sa akin kaya kitang-kita ko ang natutulog niyang mukha. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama malapit sa kanyang tagiliran. Itinaas ko ang kamay ko saka ko banayad na hinaplos-haplos ang kanyang mukha. Ang mukha na lagi na lang nasa isipan ko. Wala pa ring nagbago sa mukhang minahal ko. Kung ano siya noong una ko siyang nakita ay ganu'n pa rin siya hanggang ngayon. "Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin pero kung darating pa ang panahon na babalik ang dating Nick na nakilala ko, handa akong maghintay," pabulong kong sabi habang nakatitig ako sa kanyang mukha. "Mahal kita, Nick. Alam kong alam mo 'yun," umiiyak kong sabi. This time, hawak-hawak ko na ang isa

