"Ito kaya, Manang. Maganda kaya? Bagay kaya sa baby ko?" sunud-sunod kong tanong kay Manang, isang araw nang nag-shopping kami. Hindi alam ni Nick ang tungkol sa pag-shopping namin ni Manang dahil alam ko rin na hindi pa rin niya ako sasamahan kung sakali mang nalaman niya ang tungkol dito. "Masyadong malaki 'yan para sa new born baby," sabi pa niya. Buti na lang at kasama ko si Manang dahil wala talaga akong ideya tungkol sa ganitong bagay. Pero kahit na ganu'n, excited pa rin ako na mapagmasdan ang anak ko habang suot-suot niya ang mga binili naming damit sa kanya. "Mas bagay 'to sa baby natin, hon oh!" Napatingin ako sa isang babaeng buntis na rin habang tinitingnan niya ang isang damit na pang-babae na natitipuhan niya. Nasa tabi niya ang kanyang asawa at nakaalalay sa kanya. "Oo n

