Matapos ang kasal namin ni Nick ay agad namang umuwi sina Mama at Papa sa amin. Iniwan na nila ako sa bahay nina Nick dahil mag-asawa na nga raw kami ni Nick. Kahit naninibago ako ay nagpapasalamat pa rin ako dahil mainit naman ang pagtanggap sa akin ng kanyang mga magulang.
"Come inside," aya ni Tita Sandra sa akin, "...this is his room," aniya habang iniikot niya ang kanyang paningin sa kabuuang loob ng kwarto nito. Napatingin ako sa loob ng kwarto ni Nick, hindi ito masyadong malaki. Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit nito dahil nga siguro, asikaso ng katulong.
"Feel at home lang, Larah," nakangiting sabi ni Tita Sandra.
"Bukas na bukas, mamimili tayo ng mga gamit mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna."
"Salamat po," nakayuko ko pang sabi.
"Mama." Napaangat ako ng mukha sa sinabi niya at diretsong napatingin ako sa kanya.
"Po?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Dapat ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong Mama at Papa sa asawa ko."
"O-opo, Mama," nahihiya ko pang sabi. Tinapik-tapik niya muna ako saka niya ako tuluyang iniwan. Nanghihina ang mga paang napaupo ako sa gilid ng kama ni Nick. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ni Nick sa akin, naging mainit naman ang pagtanggap sa akin ng kanyang mga magulang. Pero hindi ko alam kung hanggang saan, hanggang kailan ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Natatakot ako na baka bukas o sa makalawa, magbabago rin sila kagaya ng pagbabago ni Nick. Kahit hindi maayos ang kasalang nangyari ay may bahagi pa rin ng puso ko ang nagdiwang dahil sa wakas, ang pinangarap ko dati, ang makasal ako sa lalaking mahal ko ay abot-kamay ko na rin. Pero, aminado akong may bumabagabag sa isipan ko. Hanggang saan ang kasalang nangyari? Maganda kaya ang magiging bunga nito sa buhay namin ng anak ko?
Sumapit ang gabi, nagsalu-salo kami sa isang hapunan. Pero ni amoy ni Nick, hindi ko maamoy. Matapos ang kasal namin, agad siyang umalis na hindi man lang nagpaalam. Hanggang sa natapos ang hapunan, wala pa rin siya. Hindi pa rin siy bumabalik.
Maghahating-gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi. Nakahiga ako sa sofa sa loob ng kwarto niya, hihintayin ko siya para pag-uusapan namin ang mga nangyayari sa amin ngayon pero nakatulog na lang ako sa kahihintay sa kanya, hindi pa rin siya bumabalik.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog nang magising akong may humahaplos sa hita ko. Agad akong napamulat ng mga mata. Dahil maliwanag ang ilaw, kitang-kita ko kung sino. It's Nick! Agad akong umiwas.
"Nick, what are you doing?" natataranta kong tanong.
"Ssshhhh," aniya sabay lagay ng hintuturo niya sa kanyang mga labi. Senyales na kailangan kong manahimik. Patuloy niya akong hinaplos hanggang sa umabot ang kamay niya malapit sa maselang bahagi ng katawan ko kaya agad ko iyong iniwaksi. Mapupungay ang mga matang tiningnan niya ako. Lasing siya. Namumula ang mga mata niya. Amoy na amoy ko ang ininom niyang alak.
"Stop it, Nick!" awat ko sa kanya nang muli niyang ginawa ang ginagawa niyang paghaplos sa akin. Galit na hinawakan niya ako sa baba at bahagya pa niya itong pinisil kaya medyo nasasaktan ako.
"Aangal ka? Huh?!" singhal niya sa akin. Saka niya itinuloy ang ginagawa pero pinilit kong makawala na siyang lalong nagpainit sa kanyang ulo. Galit na binaklas niya ako kaya napaupo ako sa sofa.
"Tatanggi ka na ngayon? Pinilit mo 'kong maikasal sa'yo tapos hindi mo gagampanan ang gawain ng isang asawa?!" Nanlilisik ang kanyang mga mata habang sinasabi niya ang mga iyon na siyang lalong nagpatakot sa akin.
"Mahal mo 'ko, di ba? Gusto mo rin 'to, di ba?"
He claimed my lips immediately. He kissed me roughly. Yong halik ng isang taong malamig. Yong halik na walang pag-ibig kundi lust lang ang meron. Yung halik na imbes na masasarapan ka, masasaktan ka lang. Pinilit kong umiwas. Pinilit kong kumawala pero sadyang malakas si Nick.
"Nick, please," umiiyak ko nang pakiusap habang pahablot niyang tinatanggal ang mga saplot ko.
"Please what, sweetie?" bulong niya sa punong tenga ko.
"Stop it. Don't do this to me, please." Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Lalo siyang naging aggressive sa sinabi ko. Lalo siyang nagalit. Hindi na siya nakinig. Hindi na niya pinansin ang mga luha ko na dumadaloy sa magkabila kong pisngi kahit pa damang-dama niya ito. Kahit pa nakikita niya ito.
Tuluya akong napahagulhol nang tuluyan na siyang nagpatianod sa tawag ng laman. He had his s*x with me kahit pa, buntis ako. Kahit pa, ayoko dahil sa kalagayan ko. Ano pa ba ang magagawa ko, nakaparaos na siya. Pawis na pawis ang buo niyang katawan nang tingnan niya ako na may pandidiri sa kanyang mga mata. Muli niyang hinawakan ang chin ko.
"You didn't drive me crazy anymore. Wala ka nang kwenta," patabig na binitawan niya ang mukha ko saka siya humiga sa tabi ko na nakatagilid patalikod sa akin. I bit my lower lip to avoid sobbing. Kahit pa na gustong-gusto ko nang sumigaw. Paano niya nagawa sa akin 'to? Nasaan na ang kilala kong Nick dati na malambing? Maalaga? Bakit nawala na 'yun?
Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko hanggang sa nakatulog akong may mga luha sa mga mata.
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Nick sa tabi ko. Bumangon ako saka dumeritso ng banyo. Habang nasa ilalim ako ng shower ay nakatulala ako habang muli na namang tumulo ang mga luha ko. Hanggang kailan ako ganito? Nakahawak ako sa tiyan ko. Kahit masakit, titiisin ko basta para sa anak ko. Gagawin ko ang lahat, mananatili lang na buo ang pamilyang 'to kahit pa araw-araw tutulo ang mga luha ko. Anak, ipinapangako ni Mama, magiging matapang at matatag si Mama para sa'yo. Hindi siya susuko, nak kahit ano pa ang mangyari. Muli akong napahagulhol ng iyak. May napakalaking tanong ngayon sa isipan ko, kakayanin ko kaya?
Bago magtanghalian ay dinala ako ni Mama Monica sa isang mall. Binilhan niya ako ng mga sarili kong gamit. Mula ulo hanggang paa. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ni Nick sa akin, kahit papaano'y maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga naging biyenan ko. Matapos kaming mag-shopping ay agad na rin kaming umuwi. Pagkarating namin sa bahay ay ang nagmumugtok na mukha ni Nick ang aming nadatnan na nakaupo sa sofa habang nasa kaharap na sofa naman nakaupo ang kanyang ama. Napatingin siya sa pagdating namin pero agad rin niyang ibinaling ang mga mata sa ibang bahagi ng bahay.
"Everybody sit down," mahinahong sabi ni Papa Arman. Inalalayan ako ni Mama Monica para sa pag-upo saka tumabi siya sa akin.
"What are we going to do?" nagtatakang tanong ni Mama.
"Since kasal na sila. They need to move out from this house," aniya. Napatingin ako ng diretso sa mukha ni Papa.
"Pero, honey-----"Kailangan na nilang matutunan kung papaano mabuhay ng may asawa at pamilya," putol ni Papa sa iba pa sanang sasabihin ni Mama.
"Hindi ba parang napakabata pa nila para sa bagay na 'yan? Hon, they still needs our support and help as their parents," pahayag ni Mama.
"Napakabata? Sana, inisip nila 'yun bago sila pumasok sa isang bagay kung hindi man lang nila alam paano aayusin." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Papa sa aming dalawa ni Nick. Habang nanatili akong nakayuko, si Nick naman ay kung saan-saan na ibinabaling ang tingin.
"Nag-aaral pa si Nick. Paano niya bubuhayin ang mag-ina niya sa ganyang sitwasyon?" nag-alalang tanong ni Mama.
"He needs to stop." Diretso sa mga mata ni Papa ang tingin ni Nick.
"Ano?! Do I need to do that? Do I need to sacrifice my studies for the sake of this woman?!" galit niyang tanong sabay duro sa akin. Muling napunit ang puso ko.
"Watch your words, Nick! Asawa mo ang tinatawag mong woman!" galit na ring bulyaw sa kanya ni Mama.
"This woman?!" paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang 'yun. Sa sinabi pa lang niya, hindi na niya talaga ako kinikilalang babae na minsan na niyang minahal. Pakiramdam ko, ibang tao na ako para sa kanya. Ni hindi na niya ako matawag-tawag sa pangalan ko.
"At kinakampihan niyo pa siya?" Ngumiti siya na may panunudyo at may pagkasuklam na napatingin siya sa akin.
"Pinapaayos ko na ang bahay na lilipatan niyo. Bukas na bukas, lilipat na kayo." Narinig ko ang nanginginsultong tawa ni Nick.
"May maliit akong negosyong ipapahawak sa'yo, Nick. Aalagaan mo iyon dahil iyon ang bubuhay sa pamilya mo at ayaw na ayaw kong makarinig ng tsismis na sinasaktan mo ang asawa mo dahil ako ang una mong makakalaban," pagbabanta ni Papa sa kanya pero parang hindi naman natakot doon si Nick.
"Larah, hindi porke't nilalabanan ka namin, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Gusto ko, magtulungan kayong itayo ang pamilya niyo. Tulungan niyo ang isa't-isa para sa magiging anak niyo," baling ni Papa sa akin at tumango-tango naman ako bilang sagot.
"Opo," mahina kong sabi.
Napatingin kami sa biglaang pagtayo ni Nick saka ito muling lumabas ng bahay. Maya-maya, narinig ko na lang ang pagharurot ns sasakyanan paalis. Gusto na namang tumulo ang aking mga luha pero nang mahawakan ko ang nakaumbok kong tiyan ay pinilit kong maging matibay.