CHAPTER 25

3562 Words
Ngayon ang huling araw para sa lamay ng kaniyang Shujin. Ngayon ding araw ilalagak ang abo nito sa museleyo na para sa mga ninuno at kapamilya nito. Naroon ang halos lahat ng matataas na tao na nabibilang sa organisasyon. Nagpadala nga rin ng tao roon ang Emperor na tinanggap ng binata kanila lang. Wala namang imik ang ina nito. Blangko ang ekspresyon ng mukha. "Are you ok?" aniya. Tulad kanina ay hindi pa rin siya umaalis kahit sinabihan na siya na mauna na lang at kay Z na sumabay because that bastard even bought a new car and gets a license to drive. Ano pa ba ang aasahan, maybe Zuniga just pulled some strings. Hindi rin naman kasi ito basta-basta. "I'm fine, Akino. Bakit hindi ka pa umuwi?" anito. Naglalakad na sila nito palabas. "Because I don't want to, saka isa pa anong saysay ng pagiging right-hand ko kung iiwanan ko ang master ko rito?" Bumuntong-hininga siya at tumigil sa ginagawang paghakbang. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na wala kang obligasyon sa akin Akino. You can live your own life, unwind, enjoy life... your life!" Tumawa siya ng pagak. "I don't have own life," saad niya. "This is my fate," dugtong pa. "You have your own life Akino, at hindi rito dapat umiikot ang mundo mo! Hindi sa akin at sa trabaho. Wala na si papa Akino at ayaw ko na itali ka sa utang na loob mo sa kaniya. I won't do that to you, para na kitang kapatid and that's what I also want," saad nito sa kaniya. "Bakit pakiramdam ko pinapaalis mo na ako?" saad niya rito. "No, it's not that!" "Biro lang, masyado ka namang seryoso!" aniya. "Ayaw kong umuwi dahil nand'un ang kaibigan mo na wala nang ginawa kung hindi ang sundan ako at... nakakairita siya. I wanted to do that romance you talk about last night but..." "But what?" naiintrigang tanong nito Nagulat siya sa pinagsasabi niya. "I'm afraid," derektang saad niya. "Saan?" naisa-tinig nito. "You don't understand, do you?" Marahil nga nito maintindihan na masyadong magulo ang buhay na meron siya. "Kahit ano pa ang rason, you still have a life... own life. And you have to live with it, hindi iyong ganito Hindi mo ba pinangarap na mabuhay ng tahimik, magkaroon ng pamilya, anak?" anito. "Pamilya, anak? That's absurd! Hindi ko kahit kailan naisip 'yan," saad niya. "Sinasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa natututo na magmahal. Hindi ka pa nakakatagpo ng tao na makakapagpabago ng tingin mo sa buhay. Iyong tao na magpaparamdam sa'yo na may halaga ang lahat. Iyong tao na masasabi mo na gusto mong pag-alayan ng lahat, ng pagmamahal mo, ng buhay mo. Hindi dahil obligasyon mo kung hindi dahil gusto mo talaga," litanya nito. Sabay sila nito na sumakay sa kotse nito pauwi. Tahimik siya at hindi na nagkomento o nangatwiran pa sa sinabi nito. "What is your plan about her?" biglang tanong niya. "About who? Magdalena?" "So, her name is Magdalena, nice name..." saad niya. "What about her?" Ngumisi siya. "We both know that she was married, she was married to a Daimyo! Hindi mo basta pwedeng kunin ang babaeng iyon sa asawa niya dahil gusto mo lang," paalala niya. "Alam ko! Pero wala akong pakialam... gagawin ko ang lahat mailayo lang siya sa lalaking iyon," seryosong saad nito. "And the kid?" "I have no problem with the kid. He was Lena's son and I accept that, isa pa wala namang kasalanan iyong bata sa gulong ito," ani ng kaniyang master. "Haven't noticed anything yet..." palipad hangin niya na hindi na narinig pa ng binata na nakatuon ang pansin sa daan habang nagmamaneho. Pagkaparada pa lang ng sasakyan ng makapasok sila sa bakuran ng mansyon ay agad na umibis siya mula sa sasakyan. Balak niyang dumeretso kaagad sa silid niya dahil ayaw niyang makasalubong sa loob ng bahay ang binata na kaibigan ng kaniyang master kung magpapagala-gala pa siya sa labas. Mas mainam na doon na lang siya sa kwarto magkulong at baka sakaling makatulog pa siya at makapagpahinga. Baka sakaling mawala pa sa isip niya ang mga agam-agam niya. Nang mai-locked niya ang pinto ng silid na inuukupa niya ay agad niyang hinubad ang suot na coat at inihagis iyon sa sabitan na nakabaon sa dingding. Binaklas rin niya ang holder na may tatlong kunai na nakakabit sa may bandang hita niya at inihagis iyon sa ibabaw ng kama. Habang lumalakad siya ay isa-isa rin niyang hinuhubad ang kaniyang suot. Magmula sa leather vest na sukbitan ng katana sa likod niya na maingat niyang isinabit sa dingding na parang display. Pagkatapos ng pulang leather corset na nagsisilbi niyang armor ay ang kaniyang black leather pants naman ang kaniyang isinunod. Akmang ihahagis rin niya iyon nang may maramdaman siya na may gumalaw sa loob ng silid. Mabilis pa sa utak niya ang reflexes ng katawan niya na gumalaw at tarakan ng army knife na nasa katawan pa niya ang nahagip niya sa kaniyang likuran. "It's me! It's me..." saad nito na kaagad naman niyang nakilala ang boses. "f**k! What are you doing here?" asik niya nang bitawan at itulak ito. "You scare the hell out of me! You're too fast... muntik mo na akong magilitan ng leeg," saad nito habang hawak ang leeg na mukhang nasugatan pa yata niya. "s**t!" agad niyang hinanap ang switch ng ilaw at nagliwanag ang buong silid ng pindutin niya iyon. Muli niyang hinarap ang binata na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa kaniya na mukhang namatanda dahil sa walang kakurap-kurap nitong tingin sa kaniya. "Hey, are you ok?" tanong niya ngunit sunod-sunod lang na paglunok ang naging tugon nito. Kanina pa naghihintay si Zandre sa bahay. Kanina pa siya nauna mula sa lamay at inip na inip na siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalawa. Saan na naman kaya binitbit ni De Dios ang dalaga. Napipika siya, hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya kapag nakikita niya na magkalapit ang dalawa. Kapag lalapat ang mga kamay ng binata sa dalaga ay para sinisilihan ang kaniyang pang-upo at tila gusto niyang balian ng buto si De Dios. Kaya nga heto siya, minabuti na lang niya ang maunang umuwi dahil baka mamaya ay kung ano pa ang magawa niya. Wala siyang karapatan and he f*****g knows that, pero ano ba ang magagawa niya kung naiinis talaga at kumukulo ang dugo niya. Panay ang tingin niya sa orasang pambisig, gabi na at wala pa rin ang dalawa. Kung hindi lang niya alam na iisang babae lang ang kinababaliwan ni De Dios, malamang pinagpaplanuhan na niya ngayon pa lang kung paano niya ito ididispatsa. Nasa labas siya habang naghihintay. Pinagmamasdan ang tinutuluyang bahay ng kaibigan upang mapalipas ang pagkabagot. Iba ang buhay na mayroon ang binatang kaibigan niya rito sa Japan kumpara sa Pilipinas. Doon kasi ay para itong ligaw na mandirigma na ginagawang palipasan ng oras ang kaniyang Club kapag kailangan nitong mamanhid ang pakiramdam. Dito ay isa itong importante at tinitingala base sa estado ng buhay ng ama nito. Napasadahan ng tingin niya ang bintana sa gawing kanan sa pinakadulo. Napangiti siya dahil alam niyang sa loob niyon ay kwarto ng dalaga sa nagbibigay sa kaniya ng kakaibang sigla at pagkasabik. Sa tanang buhay kasi niya ay ngayon lang siya nakakilala ng babae na katulad nito. Hindi iyong tipo ng babae na madadala sa materyal na bagay. Hindi rin ito iyong tipo na basta na lang iiyak sa sulok. Mas nakakatakot pa ang awra nito kaysa sa mga nakakaharap niya na halang ang bituka. At hindi niya alam kung ano bang kagaguhan ang pumasok sa kukote niya at naisipan niyang akyatin ang bintana at pasukin ang kwartong iyon. Makita man lang sana niya kung anong itsura sa loob. Makadagdag man lang sa detalye sa mga imahinasyon niya sa babaeng iyon. Oo, aminado siya na pinag-iisipan niya ito ng hindi maganda. Mas tamang sabihin na pinagpapantasyahan niya ito. Sino ba ang hindi? Nakapaganda ni Akino at hindi lang ito basta maganda, may kung ano sa pagkatao nito na sobra siyang naiintriga, at aalamin niya iyon. Maingat niyang napasok ang silid dahil hindi naman naka-lock ang bintana sa may katamtamang laki. May maliit na lamesa roon at isang upuan. Deretso siyang pumasok at maingat pa rin ang kilos kahit alam niyang walang ibang tao sa loob ng kabahayan maliban sa kaniya at sa mga kasambahay na nasa ibaba. Akmang hahakbang siya palapit sa kama ng dalaga nang biglang lumagitik ang seradura ng pinto tanda na may susing pumasok doon. Biglang bumukas ang pinto kasabay nang halos makapigil hininga niyang mabilisang galaw upang makaalis sa kinatatayuan. Daig pa niya ang nakipaghabulan sa bala dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Shit! Patay siya sa loob-loob niya. Sigurado siya na kapag nakita siya ng babae ay magkakabali-bali ang mga buto niya o hindi kaya ay maputulan siya ng paa ng hindi oras. Halos hindi na siya humihinga sa pagkakadikit sa dingding sa maliit na espasyo na pinagtaguan niya. Napasinghap siya nang wala sa oras nang tuluyan itong pumasok sa loob. Hinubad nito ang suot at inihagis sa mismong dingding kung saan siya nakapwesto. Napalunok siya ng sunod-sunod habang nakatitig sa inihagis nitong perpekto ang landing sa sabitan. Gayong sa dilim sa buong silid ay hindi naman mapapansin na may sabitan pala sa gilid ng dingding. Ni wala nga siyang nakita sa lapit lang nito sa mukha niya. Kung nagkataon nga siguro na ahas ito ay malamang natuklaw na siya. Yumuko ang dalaga at kinapa ang hita nito. Dinig niya ang ang tunog ng binatak at kinalas nitong holster na nasa hita nito saka iyon inihagis sa kama. Tumama ang liwanag ng buwan na makinang na bagay na sa paningin niya at mga patalim. Buti na lang at wala na ito sa katawan ng dalaga kahit paano ay nakahinga siya na hindi nito iyon magagamit sa kaniya. Pagkatapos niyon ay ang nasa katawan naman nito ang inalis. Mukha iyong simpleng vest sa simpleng tingin ngunit nang makita niya ang kabuoan niyon ay isa na naman iyong holster na may nakasukbit na dalawang maliit na katana. Lumapit ang babae sa gawi niya at maingat na isukbit rin iyon sa dingding. Tumalikod ito at humakbang ng dalawa palayo sa kinalalagyan niya. At halos manlaki ang mga mata niya nang tanggalin nito ang nasa katawan nito isa iyong kulay pula na leather. Mas lalo siyang napalunok at tuluyang nakapanganga nang isunod nito ang suot nitong combat pants. Madilim ngunit kitang kita at tanaw niya ang maputing hita ng dalaga na tila kumikinang sa dilim. Hindi niya naiwasan ang suminghap dahil parang naubusan yata siya ng hininga. Sumikip ang dibdib niya maging ang pantalon niya. Shit! Ngayon pa ba? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng babae, hubad na hubad pa nga kung minsan, pero bakit ang epekto ng dalaga sa sistema niya ay para siyang baguhan na ngayon pa lang nakakita ng hita ng babae. Akmang babawi siya sa paghinga, itinukod niya ang kamay sa gilid upang humawak sana sa hamba nang walang anu-ano ay walang sumalo sa kamay niya ay na-out balance siya. At bago pa niya mabawi ang sarili at makagawa ng aksyon ay mabilis pa sa kisap-mata na naramdaman niya ang kamay ng dalaga sa kaniyang kamay at ang nakatarak na matulis na bagay sa kaniyang leeg. “It's me! It's me...” aniya, puno ng kaba dahil alam niyang maari siyang tuluyan nito at mapagkamalan na ibang tao. “f**k! What are you doing here?” saad nito sa kaniya. “You scare the hell out of me, you're too fast... muntik mo na akong magilitan ng leeg,” saad niya sa dalaga. Agad naman siyang napahawak sa leeg nang bitawan siya ng dalaga. "s**t!" saad nito at naglakad palayo. Kapagdaka ay lumiwanag ang buong silid at nakita niya ang dalaga malapit sa switch ng ilaw. Mabilis na sumuyod ang mga mata niya at ganoon na lamang ang gulat na bumalatay sa mukha niya nang makita ang balikat nito hanggang sa kalahati ng likod ng babae na natatakpan lang ang gitnang bahagi dahil sa razor-back nitong suot. Alam niyang natural na sa mga Japanese Mafia ang may ganitong kalalaki na tattoo sa katawan pero ang makakita pala nito sa actual ay iba sa pakiramdam. "Hey, are you ok?" saad nito sa kaniya ngunit hindi niya iyon alintana. Z was spechless and mesmerized at what he saw on Akino's back. Wala sa sarili na humakbang siya at akmang hahawakan ang dalaga ngunit bago pa lumapat ang kamay niya sa balat nito ay natapik na iyon ng dalaga. "What are you doing? Why are you here inside my room?" sunod-sunod na tanong nito na nagpabalik sa katinuan niya na pansamantalang tinangay kung saan. Bumuka ang bibig niya, balak niya sana na mangatwiran ngunit wala siyang maapuhap na salita na tamang sabihin sa dalaga. Alangan namang sabihin niya na naligaw siya nang napasukang silid. Isang malaking kalukuhan iyon at baka kahit sa paslit ay hindi iyon makalusot. "Ano sabi ang ginagawa mo rito sa kwarto ko Z? Nag-i-spy ka ba? Tell the truth Zuniga kung ayaw mo na gilitan talaga kita ng leeg. You know what I can do that!" saad nito sa kaniya ngunit sa halip na matakot ay tila naging excited pa siya. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Hindi siya pwedeng pawardi-wardi sa harap ng dalaga dahil baka nga tuluyan talaga siya nito. Pwede naman siyang lumaban ang kaso... isang malaking hindi yata niya kaya ang saktan ang babaeng kaharap niya. "Are you f*****g deaf!?" sikmat nito at inundayan siya ng saksak na nagpabalik sa lumipad niyang katinuan. Bakit ba bigla-bigla na lang naglalakbay ang utak niya kung saan-saan kapag kaharap niya ang babaeng ito. Unang beses pa lang niya na nakita ito noon sa UL nang isama ito ni De Dios, nang lumaban ito sa UL at nang malagutan nito ng hininga ang isa sa pinakamalalakas sa underground fights na ginaganap sa club niya sa loob lamang ng hindi lalampas sa limang minuto. Doon pa lang nakuha na nito ang atensyon niya. Madalas niya itong asarin noon dahil natutuwa siya sa itsura nito kapag naiirita o nagagalit. At ngayon talagang tutuluyan siya ng babae at sa halip na takot ay nabuhayan pa lalo siya. This woman is dangerous and she can kill him in an instant and yet he is just standing there and get f*****g aroused. What the f**k is wrong with him? Nababaliw na ba talaga siya. Ito na ba ang sinasabi ng kaibigan niya na kapag tinamaan siya ng lintik na pag-ibig ay hindi na siya makakaiwas pa. Wait... what? Ano ba ang sinasabi niya? Pag-ibig? Saan naman galing ang idea na umiibig siya sa babae? He mean, maganda naman talaga si Akino at aminado siya na gusto niya ito. Gusto rin niya itong maangkin, pero pag-ibig? Hell no! It is not so him. Nasalo niya ang kamay ng dalaga na may hawak na patalim at kaagad na iniikot ang kamay nito at napunta ang katawan ng babae sa kaniyang harapan dahil upang masilayan na naman niya ang balikat at halos kalahati ng likod nito na may tattoo hanggang sa batok nito. Sa pwesto nila ay mukha silang naglalambingang magkasintahan sa malayo. Mukha silang magkayakap sa unang tingin. Siya na hawak ang kamay nito sa likod nito at halos nakadikit na ang katawan nito sa kaniyang harapan. He will bet that she would feel his bulging and angry friend down in between his thights. "This is not the right way of welcoming a visitor, lady," aniya at sinadya niyang ibulong iyon sa punong tenga ng dalaga na agad namang kumilos. Ngunit dahil mas malaki siya at mas malakas ang braso niya ay hindi ito kaagad nakawala. At nararamdaman din niya ang tensyon sa katawan ng dalaga. "You're not my f*****g visitor! This is my room and you are an intruder!' matigas na saad ng dalaga ngunit wala na ang banta ng panganib sa boses nito. "And can you get yourself away from my body because I barely feel your f*****g p***s! It is poking my ass!" Muntik na siyang mabilaukan ng sarili niyang laway dahil sa kaprangkahan ng pananalita nito. Parang wala ito ni katiting na malisya sa katawan at nadedemonyo lang lalo ang katawan niya sa nararamdaman niyang pagnanasa sa babae. Yes, it could be just lust. Gaya ng iba marahil na-i-excite lang siya na makuha ito because as far as he can see, Akino was different. And she was really challenging for him. "I did it on purpose, baby," nakakalukong saad niya. "Want to see it?" "You f*****g perv-" "Ops, don't say that! Wala pa nga akong ginagawa," pang-aasar niya. Akino looks cute, halos umusok na ang ilong nito sa galit dahil sa mga pinagsasabi niya. "Get your hands off me!" anito sa kaniya. Alam niyang kaya nito na kumawala sa pagkakahawak niya pero hindi nito ginagawa. Bihasa ang dalaga sa hand to hand at close range combat at alam niyang sisiw lang dito na labanan siya at umiwas at ilayo sa katawan niya ang sarili nito, pero hindi nito ginagawa. "What if I tell you that I don't want too? That I wanted to hold you like this forever?" Hindi niya alam kung bakit niya itinanong iyon. Hindi rin niya inasahan na iyon ang lalabas sa bibig niya. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa mga kamay nito ay hinayaan na lang ito. Humarap naman ito sa kaniya at bumuntong-hininga. Seryoso palagi ang dalaga pero parang mas seryoso ito ngayon sa paningin niya. Lumapit ang dalaga sa harapan niya at para siyang tuod na bigla na lang nanigas sa kinatatayuan. Lumapit lang naman ito nang malapit na malapit, iyong tipong sapat na para malanghap niya ang mabangong hininga nito. Bigla siyang kinabahan dahil baka mamaya bigla na lang tupakin ang babae at undayan siya ng saksak pero sa halip... "So, you want to do a romance with me?" seryosong tanong nito. Wait, hindi niya alam kung seryoso talaga ang tanong nito na iyon. Of all question, why she came with that one. "It's not a difficult question para abutin ka ng ilang minuto para mag-isip. Do you want to do a romance with me or not?" ulit pa nito, like what the f**k is that question. Ano ba ang pumasok sa kukote ng babaeng ito. Ano pa ang ibig nitong sabihin. Nang hindi na siya makatiis ay nagtanong na rin siya. "Teka nga, what do you mean by that, do you want to do a romance thing you're asking? I mean, why on earth are you asking me, a man, if I wanted to do a romance with you?" kunot-noo niyang tanong dito. "You said you wanted to hold my hands forever. According to Google that was an example gesture of a romantic person. So, if you wanted to hold my hands forever do you want to make a romantic gesture with me, right?" inosente nitong saad. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito sa kaniya. At talagang sa Google pa nito iyon nakuha. "Nagka-boyfriend ka na ba?" biglang tanong niya. "Yes, of course I had a lot of boy friends... how about you?" Nanakit ang ulo niya at napapikit sa sagot nito na iyon. Muntik pa siyang mapakamot ng ulo ng wala sa oras. "That's not what I mean. Boyfriend? I mean, boyfriend. Someone, a man who hugged and kissed you on the lips?" "I have never been kissed by someone on the lips!" Lumaki ang tenga niya sa sagot nito na iyon at hindi lang iyon nagliwanag rin pati ang mukha niya at daig pa niya ang teenager na biglang kinilig. f**k! Parang ngayon pa lang ay gusto na niya itong lamukusin ng halik sa labi para siya ang mauna. Mas lalo lang nadadagdagan ang pagnanasa at pagkasabik niya rito sa nalaman niya na never been kissed pa pala ang dalaga. NBSB, ika nga. Saan ba ito nagsuot buong buhay nito at hindi niya ito kaagad natagpuan. "Oh?" iyon na lang ang nasabi niya. "Oh? That's it? That was just you are going to say to me, oh?" asik nito para bang hindi yata nagustohan ang sinabi niya. "Ano ba ang gusto mong sabihin ko? I'm speechless!" aniya. "Tell me if you want to do a romance with me or not!?" "Of course I do!" saad niya. "Then fine let's do a romance because if you do not want I'll ask other peop..." "f**k! Are you serious? What do you think about romance? A game?" "I'm serious. I just wanted to experiece that, Master Kenji says that it was good to be happy sometimes. Experiece romance and all..." "Gago amp! Anong akala mo sa romance pwede mo lang gawin sa kahit na sino? It's not what you think babygirl. You're deadly in some ways but in this kind of thing, you're so naive," saad niya saka ito inakay niya ito patungo sa kama. "And why are you sending me to bed? Hindi pa ako inaantok, wala pa akong balak matulog," walang muwang nitong saad sa kaniya na ikinatawa niya. "What's funny?" "We're not going to sleep baby. I will going to rectify the situation..." "What situation?" "You're the situation... and we're going to do the highest form of romance," paliwanag niya sa dalaga na iniupo na niya sa kama. Napaatras naman ito kaagad nang mag-umpisa na siyang maghubad ng suot na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD