CHAPTER 24

3734 Words
Nang makabalik siya ay tanaw niya ang binata na masama ang pagkakatitig sa asawa ng babaeng minamahal nito. "Baka biglang mangisay 'yan sa pagkakatitig mo," saad niya. Ni hindi nito namalayan na nasa likod na pala siya nito dahil sa naka-focus ito sa lalaki. "Nasaan 'yong bata?" anito sa halip na sagutin ang biro niya. "With his mother of course," saad niya "Ang cute ng batang iyon, parang ikaw!" dugtong pa niya. Gusto niya sanang magpahiwatig. "Anong cute? Anong palagay mo sa akin tuta?" iritadong saad nito. "Masyadong mainit ang ulo mo." "I'm so f*****g tired, Akino. Gusto ko nang magpahinga," walang buhay nitong tugon. Balak nito sanang umupo ngunit naudlot iyon nang may dumating na naman sa harapan nila at makipagkamay. "Relax, kailangan mong gawin ito bilang ikaw na ang papalit sa ama mo. At lahat ng tao na humaharap sa iyo ay parte ng organisanyong pamumunuan mo na ngayon," saad niya sa binata na halatang pikang-pika na. "I want to breath, Akino. Hindi na ako makahinga sa dami ng tao rito. I feel suffocated!" reklamo nito. "I'm sorry if you need to get through this, Master Ken,” "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi mo naman kasalanan na sa akin inatang lahat ng responsibilidad bilang Thahara. I just need some air and rest, iyon lang naman ang gusto ko," sagot nito sa kaniya. "Yeah, I know! Sige na, magpahinga ka na muna. Ako na muna ang bahala sa mga bisita, isa pa nandito rin naman ang lalaking iyon na feeling entitled sa posisyon. I will play with him a little, saad niya. "Ano na namang kalukuhan iyang nasa isip mo, ha?" "Sige na, go... have some rest, breath as you want then come back. Maglalaro muna ako!" aniya bago ipinagtulakan ito palabas ng bulwagan kung saan nakalagak ang abo ng kaniyang master. Nang makalabas na ito ay saka lang niya naalala na may importante nga pala siyang dapat ibigay kaya naman hinabol niya ang binata. Ngunit nang makita niya itong pasugod na naman sa mag-asawa dahil nakita nitong sinasaktan na naman ni James ang babaeng mahal nito. Kaya naman mabilis niyang tinawid ang tinalon ang bakod mapigilan lang ito kaagad. “Anong gagawin mo? Aawatin mo?” saad niya nang makarating siya sa tabi niya. “Leave Akino, please!” “Pinapaalala ko lang na asawa niya ang lalaking iyon at wala kang karapatan na makialam sa problema nila,” saad niya sa binata. Pinalis nito ang kamay niya at lumakad palayo upang hanapin kung saan dinala ng lalaki ang asawa nito. Hinayaan niya ito kung saan man ito pumunta pero nanatili lang siyang nakakubli at nagmasid sa lahat ng kilos ng binata. “Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ng mga tao rito sa loob. Dumating ang ibang mga Elders at gusto ka nilang makausap," imporma kaagad niya sa binata nang makabalik sila nito sa loob. Hindi siya nagpahalata na nakasunod lang siya dito at alam niya ang lahat ng ginawa nito. Pawis na pawis ito dahil sa pagkukulong sa storage room kasama ang babaeng iyon. "Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakipag-away ka ba sa labas?" Muntik na itong matawa sa tanong niya. "Ano na naman ba ang pag-uusapan?" anito sa kaniya habang pinapahid ang pawis sa noo. "There is something in you? What is it, huh? What did you do?" aniya. Ganoon ka-visible ang expression sa mukha nito. "Ano ba ang pinagsasasabi mo? Wala akong ginawa ha, may naalala lang," anito habang kumukuha ng bottled water sa lamesa na nakalaan para sa mga dumadalaw. "What the f**k? Halos kalahating oras kayo sa loob ng storage room ng babaeng iyon, and there is nothing happens between the two of you? That was absurd!" Muntik na nitong maibuga ang tubig na kasalukuyan nitong iniinom. "You saw us?" "Yes." "Then why the f**k are you asking where I have been?" asik nito sa kaniya. "Nothing, I just wanted to know what alibi you would tell me. Kung papasa na ba sa akin or not!" saad niya "And?" "And your alibi was too lame!" Napangiwi na lang ito sa sinabi niya. May mga times talaga na na-ko-corner niya ito. Pagkatapos nilang mag-asaran nito ay iginiya na sniya ito papunta sa isa pang VIP room para sa mga Elders. Pumasok sila at ang ilan sa mga naroon ay siya ring mga naroon ng araw na tapusin niya ang mga tingin niya na balakid sa posisyong iniwan na sa ngayon ng kaniyang Shujin. "So this is him? Hedeo's son," ani ng isang matandang lalaki na mahaba ang balbas. Base sa hitsura nito ay isa itong Hapon, ngunit matatas ito sa salitang english at hindi baluktot ang dila. Yumuko ang binata upang magbigay galang dahil may ilang matatanda na naroon. "Kenji Kurashima Thahara," pagpapakilala nito at isa-isang kinamayan ang naroon. Pansin din niyang siya lang ang babae na naroon kaya naman tiningnan siya ng binata ngunit wala siyang balak na lumabas. Wala siyang pakialam kahit mahigit sampung kalalakihan ang kasama nila sa loob. "You look tense, Master," bulong niya sa binata nang mapansin niyang hindi na naman ito mapakali. "Don't worry, hindi ako gagalaw hangga't wala akong nararamdamang banta ng panganib," nakangising saad niya. "Talaga lang?" "Pwede rin kung ipag-uutos mo," seryosong sambit niya. Sinimangutan lang siya ng binata at muling itinuon ang pansin sa mga naroon. Maayos naman ang naging pag-uusap na naganap sa pagitan nila at ng ibang Elders na nakaharap nila ngayon mula sa Green Mantis Clan. Kaalyado ang pahiwatig nito sa kanila at pagpapalago ng negosyo ang naging topic ng kanilang usapan. Nanatiling tahimik lang siya sa buong pag-uusap at kinakalkula ang mga galaw ng bawat isa. "So, let's cheers to the Lord of the RED DRAGON MAFIA CLAN," saad ng matanda at isa-isang nagsisunod ang lahat. Kanya-kanyang taas ang mga ito ng baso at nagbabadya na sa pag-inom. Itinaas ng binata ang hawak na baso at akmang iinumin iyon nang agawin niya ito at palitan ng ibang baso na hawak niya. Mabilis na lumipad ang paningin nito sa kaniya nang inumin niya kaagad ang laman ng inagaw niyang baso. Ilang sandali pa ay kanya-kanya na nang pamamaalam ang mga naroon. Naiwan ang matanda na nag-abot sa binata ng baso kanina at may ibinulong ito bago tuluyang umalis. Agad namang lumipad ang tingin nito sa kaniya. “f**k!” mura niya nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. "Akino, hey!" tawag nito sa kaniya. Nang makalapit ito at akmang hahawakan siya sa balikat ay malakas niyang binalya ang kamay nito. "What is wrong with you? Ayos ka lang ba, huh, Akino?" "s**t!" mura niya at ipinapaling-paling ang ulo dahil sa hindi magandang nararamdaman sa katawan. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, ha?" Alam niyang may mali. "Next time, don't just drink anything that was given to you. Sa susunod baka malason ka na lang ng hindi mo nalalaman!" aniya sa binata. "f**k! Did you? Is that a poison?" asik nito sa kaniya. "Lucky not! But for me it was worst," saad niya. "Master?" "Yes? What is it? Tigilan mo na nga ito Akino. Seryoso? Ano ba ang nararamdaman mo, dadalhin na kita sa ospital." Tumawa siya bigla, iyong tawa na malandi na parang nang-aakit na babaeng bayaran. "Master! Can you please chain me and lock me up in this room and leave!" utos niya sa binata. "What? Why the f**k would I do that?" takang saad nito sa kaniya. "f**k! Just do it please... I drink that f*****g wine with a f*****g s*x pill. So, please before it was too late chain me and lock me up here in this room!" giit niya. At wala itong nagawa kung hindi ang sumunod na lang. Nakatali na ang dalaga. Naka-locked na rin ito sa loob ng silid gaya ng hiling nito. Nanatili naman ang binata sa labas at binantayan lang ito nang makaisip ito ng kalukuhan. "MASTER, OPEN THIS DAMN DOOR!" sumisigaw na si Akino sa loob. Kung anu-ano na ring mahaharot na salita ang lumalabas sa bibig nito. Napangisi ang nang wala sa oras at nakaisip na naman siya ng kawalanghiyaan. Agad niyang binunot ang cellphone sa bulsa at pinagpipindot iyon. Nag-start mag-record ang cellphone niya ng mga katagang sigurado siyang pagsisisihan ng dalaga kapag narinig nito kapag nawala na ito sa ilalim ng gamot. Ngunit dahil may sa demonyo rin talaga siya kapag nan-trip, binuksan niya ang camera ng cellphone at inumpisahang kunan ng video ang pintuan kung saan nasa loob ang dalaga at panay na ang ungot sa loob ng silid. Nakangisi siyang mala-demonyong kulang sa aruga nang pindutin ang send button sa pangalan ni ZUNIGA. Akino looks exhausted, halos buong gabi itong ikinulong sa VIP room ayon na rin sa bilin nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ng dalaga kaya mas mabuti na rin iyon kaysa may pagsisisihan sa huli. “Are you ok?” ani ng binata rito nang pagbuksan ito ng pinto. “I want to take a shower! That f*****g drug, drains me,” sagot ni Akino. “Mukha ngang kailangan mo na ng ligo,” Tiningnan lang siya nito ng masama at lumabas. Sumunod naman ito sa kaniya. “What are you laughing at?” Huminto siya at tiningnan ito ng masama. “Wala,” mabilis nitong tugon. “Why I have this feeling that you did something stupid?” aniya. Ang lakas talaga ng pakiramdam niya. "Don't accused me, lady. Magdamag akong nagbantay roon sa labas ng pinto. Hindi ako umalis kahit na nakakakilabot marinig ang mga atungal mo." "Ok stop! I don't want to hear anything about what happened yesterday. Kaya kung maaari lang huwag ka nang magbanggit ng kahit ano about it. It was disgusting," aniya. Asiwang asiwa siya sa naganap. Kung bakit ba naman kasi ininom-inom pa niya ang pesteng inumin na iyon. Buong byahe pauwi ay hindi siya mapakali. "Hey!" untag nito nang mapansing sobrang tahimik niya sa sasakyan, kaunti na lang ay malapit na sila sa bahay kung saan din siya nag-i-stay minsan. She was her right hand by the way. "Huwag mo ng isipin iyong nangyari kagabi, ok," anito. Makakabawi na sana siya sa pag-aalala nang pagkababa niya sa sasakyan ay matanaw niya ang hindi inaasahang tao na nakatayo sa b****a ng bahay at madilim pa sa makulimlim na panahon ang awra nito. Anong ginagawa ng lalaking ito rito sa Japan? At sa gulat niya ay bigla na lang itong lumakad deretso papunta sa kaniya. "Can we talk?" saad ni Z sa kaniya. "Hey Z, she's tired!" sabat naman ng binata. "Hindi ikaw ang kinakausap ko De Dios! Die, motherfucker!" Nagulat siya sa inakto ng binata na kararating lang lalo na ng murahin nito ang lalaki. Tinaasan pa nito ng kamay at nagpakyu sign pa ang kumag. "What do you want? And why are you here?"tanong niya. "I-i, ahm..." Tumingin muna ito sa kaibigan. Can we talk somewhere private?" muli nitong tanong sa kaniya. "I'm so tired Z, pwede ba na sa ibang araw na lang. Saka isa pa, bakit nandito ka?" balik na tanong niya. "Can I come with you?" "Hey, you are not welcome here. Find some hotels, there's a lot in this country," ani ng Master niya na hindi na yata makatiis sa pagsabat sa usapan nila. "Let him stay, Master! I'm sure ikaw ang ipinunta niya rito. Maybe he wants to personally tells his condolences to you and to your mom. Am I right?" baling niya sa kaharap. At ang kumag naman ay wala sa sarili na nagtatango. "Where is my room fucker!?" saad ni Z na lumapit kaagad sa kaniyang master. Wala na siyang pakialam sa ano mang trip ng dalawa dahil gusto na niyang magpahinga. "At dito ka talaga mag-i-stay?" wala sa loob na tanong ni De Dios sa kaniya nang makapasok siya sa bahay nito. "May problema ba tayo r'on De Dios? In fact hindi ako dapat nandito kung hindi dahil sa kaputang-inahan mo sa buhay? What the f**k was that?" saad ni Z sa binata. "Alam mo ba na hindi ako halos nakatulog sa kakaisip at kinailangan ko pang gamitin ang private plane ko para makapunta lang kaagad dito! "At kasalanan ko pa ngayon na malakas talaga ang tama mo kay Akino at na-praning ka?" saad nito sa kaniya. "Alam mo minsan ang sarap mong patulugin ng permanente." Natawa lang ang walanghiya sa tinuran niya. "You can stay here pero sa isang kundisyon!" anito. "Wala akong tiwala sa mga kundisyon mo!" saad niya. "Kung ayaw mo e, di sa hotel ka matulog at mag-stay. Tutal may pera ka naman. O, kaya doon ka sa loob ng eroplano mo mamaluktot!" inis nito sa kaniya. "Ang dami mo pang pasakalye. What is it?" inis niyang saad. Kapag may deal, hindi talaga siya padadaig. "You can stay here, pero pwede ba na huwag mo nang sabihin kay Akino iyong tungkol sa vioce record at video," seryosong saad nito sa kaniya. "Why? I supposed to ask her about that! Kaya nga ako narito para itanong ang bagay at iyon at alamin kung ano ang ibig sabihin niyon," seryosong saad niya. "Hindi iyong katulad ng iniisip mo?" anito. "Meaning?" "It was my fault! 'Yong narinig mo totoo iyon pero-" "What?" gulat niyang putol sa sasabihin niya. "Patapusin mo muna ako pwede?" inis nitong sambit. "Walang kasama si Akino sa room na iyon. She was alone inside, I locked her up!" "And why the f**k is that? I heard her moaning ang talking dirty and you will tell me that she was alone," litanya niya. Kagabi pa siya inis at halos sumabog ang galit niya kaya siya napalipad papunta sa bansa. Tapos sasabihin nito na wala lang 'yon. Sumasakit na tuloy ang ulo niya. Wala na nga siyang tulog. "She was drugged! Kaya pwede ba ikalma mo iyang sarili mo. Makapag-react ka kala mo naman boyfriend ka n'ung tao!" "I will be her boyfriend!" biglang pahayag niya. "Fortune teller ka? Goodluck, dude and condolence, dude! Pinapaaga mo lang ang kamatayan mo," anito sa kaniyam That was a friendly warning, kung hindi man ito makakuha ng sakit ng katawan. Alam niyang isang malaking risk ang mahalin si Akino at lalo ang maging nobyo nito. “Seriously?” asik ni Akino sa dalawa na walang tigil sa pagbabangayan. Tumahimik ang dalawa lalo na ang binatang kadarating lang. Daig pang maamong tupa na pinapastol ng amo. The f**k! “Kung gusto ninyo na dalawa ang magbangayan, why can both of you just leave! Hindi naman halata na na-miss n'yo ang isa't-isa ano?” dugtong pa niya. Paano ba siya magpapahinga kung sobrang ingay ng mga ito. “No, I didn't miss this fucker. I didn't even know why he was here!” anito. Naningkit ang mata ni Zuniga kaagad at biglang napatuwid sa pagkakaupo. “So, do you want me to tell her why I was here, huh?” “I know friend that you are here for your condolences,” saad ng kaniyang master at pagputol sa balak nitong sabihin. “Condolences my ass, De Dios! I wouldn't be here if you don't send me that f*****g—” “Kumain ka na nga lang malamang gutom ka na sa byahe dalawang oras din 'yon!” anito at sinupalpalan ng sushi ang bibig ng kaibigan na muntik ng mabulunan. “Are you two hiding something from me?” “Not me! Siya lang...” Sabay turo nito sa binata. “Huwag mo nang intidihan kung anong pinagsasasabi ng lalaking ito Akino. You can rest, we will going out and leave— tara na!” anito nang bitbitin ito sa braso palabas. Nang makalabas ay agad na ibinalya sa damuhan ni Kelvin si Z. “f**k! Alam mo, hindi na talaga ako natutuwa ha. Akala ko ba hindi mo sasabihin kaya nga kita pinatuloy sa bahay ko, tapos ngayon—” “Correction, ikaw ang pasimuno. Kung tumatamahimik ka na lang kasi eh di sana nakapagpahinga na ang magiging girlfriend ko,” saad niya. Wow, ang lakas. “Ang kapal din talaga ng apog mo Zuniga, ano?” anito. “Yes, of course! Hindi naman siguro ako tatagal sa mundong ito kung hindi,” mayabang at proud na sagot niya rito. “At ikaw nagsisimula ka pa lang makilala ang tunay na nagpapatakbo at nagpapaikot ng mundo,” dugtong pa niya. “What do you mean?” takang tanong nito at sumeryoso. Naupo siya sa damuhan at tumabi rin sa pwesto nito. “What do you think? Wala akong alam sa nangyayari sa iyo rito! Alam ko lahat my friend,” saad niya. “Anong alam mo sa nangyayari sa buhay ko? At kung alam mo nga, ibig sabihin alam mo rin kung ano ang papel ni Akino sa buhay ko!” “Of course I know, kaya nga kahit nanggigigil ako na palagi siyang nakabuntot sa'yo wala ako akong magawa. Nananahimik ako dahil hindi ako pwedeng makialam. Gusto ko siyang kunin at ilayo sa kinamulatan niyang trabaho. Gusto ko siyang bigyan ng maayos na buhay,” seryosong saad niya sa kaibigan. “Gago! Sinong niluluko mo? Bigyan ng maayos na buhay? Kailan pa naging maayos ang buhay mo, Z? Walang maayos sa buhay mo, natin, at alam ko na alam mo 'yan!” litanya nito. Tama naman ito wala naman talagang maayos sa buhay niya, dahil katulad nito patapon din naman iyon. Dinig niya ang pagbuga nito ng hininga. Kung sa pamilya lang ang pag-uusapan ay halos pantay na siguro sila nito ng problema at estado. Parehas magulo at nagiging marahas para sa iniingatang pangalan ng pamilya. Alam nito kung anong klaseng tao siya at kung anong pamilya mayroon. Hindi man niya gustohin, katulad nito ay wala rin siyang pagpipiliin dahil nag-iisa lang din itong anak. Noon pa man ay ayaw na nito nang sinasaklawan ang kalayaan na gawin ang lahat ng nais nito. Ngunit ngayon ay kapwa limitado na ang kanilang galaw. “Kumusta pala iyong long lost girlfriend mo? Nagkita na ba kayo rito sa Japan?” Kumibot ang labi nito sa tanong na iyon. “Hoy, ano? Daig mo pa ang namatanda r'yan!” Siniko niya ito at muntik na siyang ma-outbalance. “Akala ko ba alam mo ang nangyayari sa akin dito. Tapos ngayon magtatanong ka,” anito at saka tumayo at nagpagpag ng pantalon. “Oh, saan ka pupunta?” aniya nang talikuran siya nito. “Saan pa, eh di sa kaniya. I wanted to see her. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. At kung pwede ha, kung pwede lang, huwag mong landiin si Akino kung paglalaruan mo lang. She was like a sister to me Z, at ayaw ko na masaktan siya dahil nangako ako kay Papa na ituturing ko siyang nakababatang kapatid,” paalala nito sa kaniya. “Alright big brother!” mabilis niyang saad. Deretso siya sa loob ng bahay nito na akala mo ay siya ang may ari at ito ang bisita na uuwi na. Kinabukasan... “Where the f**k have you been? Kanina ka pa hinahanap ng mga tao rito!” salubong kaagad ni Akino sa binata pagdating niya sa lamay. Kung saan-saan ito pumupunta nang hindi niya nalalaman. “Kanina pa ako naghahanap sa'yo ha! Bakit iniwan mo sa bahay iyang kaibigan mo? Sana sinama mo na lang kung saang lupalop ka man nagsusuot! Damn! Saka pwede ba pauwiin mo na 'yan!” litanya niya. “Bakit inis na inis ka yata kay Zuniga?” anito habang ang mga mata ay nakatutok sa lalaki na ngayon ay nakangiti sa kaniya na parang asong ulol mula sa malayo. “Basta pauwiin mo na siya!” asik niya. Hindi siya makakilos ng maayos nandito ang lalaki sa paligid. Paano na lang kung maulit uli na kailangan niyang gumamit ng dahas. How the f**k she would do that? In front of him? “Anong basta? Anong rason 'yan? Saka hindi mo ba siya kayang pauwiin, eh di ikaw ang magsabi na umuwi na siya,” saad nito. “Ang tapang tapang at ang lakas mo tapos pagpapauwi lang diyan pinoproblema mo?” dugtong pa nito. She rolled her eyes on him. “Pwede ko ba'ng patayin 'yan? He is your friend, right?” “Malaki ka na Akino, you don't need my permission,” seryosong sabi nito. “Ewan ko sa'yo!” Tinalikuran niya ang binata dahil sa sobrang inis. Hinabol na lang niya ito dahil may itatanong sana siya na importante. Nang magpantay sila ulit ay ginawa na niya. “Nakita mo ba si James dito?” Tumigil siya sa paglalakad saka humarap muli sa kaniya. “That's why I'm asking where have you been. Kanina pa sila sa VIP room at malamang nagpaplano na ang mga iyon kung paano ang gagawin para hindi ka magtagal sa pwesto.” “Hanggang ngayon pala hindi pa rin siya sumusuko? Ipinipilit pa rin niya ang sarili niya sa hindi naman dapat.” “Tulala ka na! Ano ba kanina pa ako dakdak ng dakdak, hindi ka nakikinig,” saad niya nang sikuhin ito. “Pasensya na, medyo pagod lang,” tugon nito. “Pagod? At saan ka naman napagod?” pag-uusisa niya. “Alam mo may pagkatsimosa ka rin pala eh, noh! May pinuntahan lang ako. Nag-isip isip ng mga bagay bagay kung paano at saan ko uumpisahang ayusin,” saad nito. Alam niyang galing na naman ito sa babae. “Ano namang nakakapagod r'on? Nag-isip ka lang napagod ka na?” “s**t, ang kulit mo! Minsan hindi ko alam kung wala ka talagang idea kung paano ang buhay pag-ibig. Wala kang ka-romance romance sa katawan, e,” saad nito. “I don't do romance!” inosenteng sagot niya. “You should do! Habang bata ka pa, enjoy life... Do romance, kasi alam mo masarap magmahal at mahalin pabalik,” payo nito sa kaniya. “How can I do romance?” Biglang naging interesado siya. Ang bilis talaga ng shifting ng mood niya. Kasing bilis ng wasiwas ng nakakasugat at nakamamatay na talim ng katana na gamit palagi niyang gamit. “I can't teach you. Hindi naman kasi iyon pinag-aaralan. “Then how is it! How I would do romance,” sambit niya. “Just let it go... It's there. Kusa mo na lang iyang mararamdaman at kusa na lang ding gagalaw at matututunan,” anito na parang pagmamasa lang ng tinapay o pagluluto iyon. Para sa kaniya, love and romance wasn't always good. Because if it was too much. It will kill you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD