Kinabukasan ay dinatnan nila ang lahat sa hapag-kainan. Naroon si Lena atang anak nito kay De Dios, maging ang ginang at ang lalaking may puting buhok na siyang ipanagtataka niya dahil sigurado naman siya na umuwi ang lalaki kagabi. Gusto na kaagad maningkit ng mata niya dahil ang aga naman yata nito na pumarito. Hindi ba ito busy? Wala bang ibang trabaho na nakaatang sa lalaking ito kaya sobrang aga at dito pa gustong mag-almusal. “Good morning everyone,” masiglang bati ni Akino sa lahat. Parang hindi nalagay sa panganib ang buhay nito at walang iniindang sakit kung magsalita. Buhay na buhay ang boses nito na animo'y batang excited. “Good morning, Haru.” Doon tuluyang nangunot ang noo at naningkit ang mata niya. What's with that special mention when she already greeted everybody? A

