Akino is so persistent to sleep on the couch pero hindi niya pinayagan iyon. Halos buong gabi silang nagtalo nito. Mabuti na lang at sa huli ay napapayag din niya ito sa sa kama mahiga. Nilagyan lang niay iyon ng extrang sapin dahil ayaw nitong mahiga roon, nag-aalala kasi itong baka mamantyahan iyon ng dugo galing sa katawan nito. Fuck that! Mas inisip pa nito ang mantsa kaysa sa sarili nitong kalagayan. Kulang na lang ay sabihin niyang siya mismo ang maglalaba kung magkaroon ng mantsa ang bedsheet at pinagtawanan lang siya nito dahil doon. Nang mapapayag niya ito na mahiga ay mabilis din itong nakatulog sa tabi niya habang nakaunan sa mga braso niya. Yakap din niya ito. Kapag ganito ay nararamdaman niya na kahit paano ay may silbi rin siya sa dalaga. Kahit sa ganitong bagay man lang. A

