Ngayong araw ang flight ni Zee pabalik sa Pilipinas kasama ang buong pamilya ng kaibigan nito. Buong gabi nitong sinulit ang magdamag kasama si Akino ngunit nagising siyang wala ito sa tabi niya at nang hanapin niya ito sa buong bahay ay napag-alaman njyang umalis na naman ang babae na wala man lang nakakaalam kahit na sino. Kahit pa ang pinaglilingkuran nito na kaibigan niya ay walang alam kung nasaan ang dalaga. Umagang-umaga tuloy siyang wala sa mood dahil sa kakahanap. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Ngayong araw ang alis nila pabalik sa Pilipinas at alam niya na imposibleng makalimutan iyon ng dalaga but stil she leave like it's not important. Bakit ito ganoon? Kagabi lang ay maayos naman na sila nito na nag-usap tapos bigla na naman lang itong aalis na para bang walang

