Napangiti siya nang pihitin niya ang seradura at masiguro na hindi iyon ini-lock ng kasintahan. Marahan niyang itinulak iyon at tahimik na pumasok sa loob ng may katamtamang laki na banyo. Mas lalong lumalim ang pagkakangiti niya nang makita ang kasintahan sa kabila ng salaming dingding na naghihiwalay sa mismong toilet. Naroon ito at nakatayo sa loob ng bathtub habang umaagos sa makinis at maputing katawan nito ang tubig mula sa faucet. Wala nang inaksayang sandali si Zandre. Kaagad niyang hinubad isa-isa ang mga saplot niya. Wala siyang itinira maski isang piraso sa katawan. Marahas siyang lumakad palapit sa dalaga na abala sa pagdama sa katawan nito sa ilalim ng rumaragasang tubig. Kaagad na bumalot ang mga braso siya sa bewang ng dalaga ngunit hindi naman iyon ikinagulat nito. Malaka

