Chapter 18 Book II Mapple's Pov HATID sundo parin ako ng asawa ko sa school at ganun parin ang daily routine namin. Dalawang buwan na ang tiyan ko at ngayong araw ay nandito kami sa Herreros hospital. Nagpapa check up para sa monthly namin ni baby. Nadagdagan nga ang timbang ko dahil sa katakawan ko. Ang sarap naman kasi talagang kumain eh. Hindi ko kayang mag diet. Ayaw ko ng puro gulay, gusto ko kumain ng matatamis talaga. Kasama ko ngayon si Red na nanghihingi lang ng vitamins at dinadala ang pangalan ni kuya Salem. Ewan ko ba kung valid pero bahala na talaga siya. Hindi ko naman siya mapipigilan kahit pa anong gawin ko. Sabado ngayon kaya balak namin mag grocery mag asawa. Ubos na din kasi ang milk na para sa buntis kaya kailangan bumili. Hindi kasi nakabili si Red kahapon dahi

