Chapter 17 Book II Red’s Pov TULOG na ang asawa ko kaya inayos ko ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Napagod yata siya sa ginawa namin kanina dahil humirit akong muli sa banyo. Wala eh, hindi ako makuntento sa isang round lang o dalawa. Kailangan seven rounds o higit pa. Pero dahil buntis ang asawa ko ay nag pigil pa ako. Baka mapano pa si baby namin kung hahayaan ko ang sarili ko na angkinin siya. Bumaba ako ng hagdan dahil liligpitin ko pa ang pinagkainan namin ni Mapple. Inaantok na kasi daw siya kaya hinatid ko na muna sa kwarto at tinabihan saglit. Nang makababa ako ng hagdan ay nagulat ako ng may marinig akong ingay na nanggaling mula sa kusina. Kumunot ang noo ko dahil alam kong wala naman kaming kasama dito sa bahay. Higit sa lahat ay wala kaming alagang hayop tulad nala

