Chapter 13 Book II Mapple's Pov MASAYA ako sa birthday ng asawa ko lalo na't natupad ang imagination ko na handaan. Mabuti nalang talaga at to the rescue si ate Ruwi. Ang dami ba naman bisita. May mga bata din kasi kaya kailangan talaga ng totoong pagkain. Nahihiya ako pero nag insist si ate Ruwi na siya na daw bahala. Inutusan niya ang assisstant niya na si Genesis na agad naman sumunod sa utos niya. Sa isang iglap ay agad na dumating ang malaking wing van na may lamang pagkain. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si ate Ruwi dahil may halo talagang hiya ang nangyari. Kitang-kita ko sa mukha ng asawa ko na nagulat siya sa nakita niya. Hindi niya yata expect na may darating na totoong handa. Problema ngayon kung sino ang kakain ng skyflakes na hinanda niya. Walangya talaga '

