Chapter 14 Book II Red’s Pov BALIK aral na naman ang asawa ko kaya hinatid ko na naman siya sa school. Hindi parin ako umaalis sa harap ng school ni Mapple dahil sinusundan ko parin ng tingin ang asawa ko. Ayaw niya kasi akong payagan na ihatid siya sa classroom. Nag-aalala ako dahil medyo mabigat ang bag niya. Baka mapano pa si baby namin. Hinintay kong lumiko ang asawa ko dahil alam kong patungo na yun sa classroom nila. Nang makaliko na siya ay saka ko lang pinausad ang sasakyan ko. Patungo ako sa office. Dival is waiting for me. May pag uusapan kasi kaming negosyo. Dapat ay kasama namin si Lucian ngunit ang gago ay nag reply lang sa message ko na naka baon pa daw siya. Gagong yun! Mabuti nalang at hindi ang asawa ko ang nakabasa ng message niya. Nakarating agad ako sa kompanya

