Chapter 15 Book II Mapple’s Pov ANG SARAP talaga sa pakiramdam kapag tapos na ang klase. Excited akong umuwi dahil makikita ko ang asawa ko. Nag text na siya sa ‘kin na nasa labas na daw siya ng school. Dali-dali tuloy akong naglakad para lang makatating sa gate. Pero bago yun ay dinaanan ko muna ang nakakabata kong kapatid na si Maureen. Nag text kasi si mama na kung pwede ay idaan namin si Maureen sa bahay nila. Pumayag naman ako dahil gusto ko din makita si mama. Balak kong tumambay muna sa bahay nila mama at makikikain ng isaw. Nakita ko naman agad ang kapatid ko na halatang hinihintay ako. Kumaway ako sa kanya para lumapit na siya sa ‘kin. Agad naman tumakbo ang kapatid ko papunta sa ‘kin. “Ang tagal mo naman, ate Mapple.” Reklamo pa ng kapatid ko. “Sorry naman. Binilisan

