Chapter 43 LALAINE’S POV Connor? Kinilabutan ako ng mag tama ang mata namin dalawa ni Connor. Naramdaman ko ang mainit na boltahe na nanalaytay sa aking katawan sa simpleng pag yakap at protekta nito sa parteng ulo ko. Amoy na amoy ko ang mabangong perfume na gamit nito at ibang impact sa aking dibdib na pag masdan ang mala misteryoso nitong mata na gusto ko pang titigan ng matagal. Sobrang bilis na ang pintig ng aking puso. Bakit ganito? Hindi dapat ako maapektuhan muli. Bago pa ako muli, mawala sa aking sarili at madala sa nararamdaman ko. Tinulak ko si Connor palayo sa na napapaso. Inayos ko ang aking sarili at damit at tinignan itong naka-tayo sa harapan ko na hindi pa rin nag babago ang pinapakitang expression na kay lamig ang mga mata. Iniiwasan ko rin na tumitig sa mata

