Chapter 58 LALAINE’S POV Nag danak ang malamig na pawis sa buong katawan ko na ngayo’y malapit lang sa amin si Connor. Posibilidad na makita niya ako o kahit man ang anak ko. Hindi pwede. Hindi pwede, na makita ang anak ko. Denver? Asan kana? Sinilip ko sa huling pag kakataon ang gawi ni Connor na walang pag kaalam-alam na nasa malapit lamang kami. Takot man at balisa ako, na hindi malaman ang gagawin na iniwan ko na ang aking tulak-tulak na cart at ang paa ko kumilos na para hanapin si Denver. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad na nilakihan ko na ang hakbang ng mga paa ko at ang mata ko naman hinahanap anak ko, kong saan na ba ito lumusot. Denver. Asan kana ba? Anak ko. Taimtim kong dasal na hinahanap pa rin ito. Hindi ko ata kakayanin kong mag kasalubong sila ni Connor. M

