Chapter 57 LALAINE’S POV Alas singko pasado nang hapon at maaga kaagad akong natapos sa aking trabaho at dumiretso na ako kaagad sa isang Mall, na mahigit trenta minutos lamang ang layo mula sa aming tinitirahan. Sinama ni Luna sa pamamasyal ang anak ko, kaya hindi na muna ito nag hintay sa labas ng pabrika at sumunod na lang ako sa kanila para sunduin na sana ang aking anak. Simpleng pantalon na blue, black tshirt at lumang sapatos ang suot ko na hindi na nag palit pa nang kasuotan matapos ng aking trabaho. Imbes hindi mabagot sa pag hihintay, nag tingin-tingin muna ako sa mga naka display na mga damit, na pang bata na kasing gulang lamang ng anak ko si Denver. Open naman ang lugar na iyon at marami naman akong naka sabayan na mga taong namimili o kaya naman ang iba nag tingin-tingi

