Estranghero Heluisse's words crept into my mind. Ilang araw ko rin iyong hindi maalis alis sa aking isipan. Paano mo ba talaga masasabi kung pagmamahal na ang nararamdaman mo sa isang tao? Sapat na ba iyong masaktan ka? Sapat na ba ang lahat ng iyon para pangalanan ang sarili kong nararamdaman ng pagmamahal? Is that even enough? May kumatok kung saan ako inaayusan at kung saan nakalagay ang aking pangalan sa labas. Tanging ang mga mata ko lamang ang tumingin sa imahe niya sa salaming nasa aking harapan. Busy pa iyong hairstylist sa pag-aayos sa aking buhok pero for final retouch nalang naman. "Ready Miss?" tanong sa akin noong isa sa staff na marahan kong ikinatango at tipid na napangiti. "You have some eyebags, Ma'am..." sabi pa noong hairstylist nang sipatin niya ang aking mga mata n

