Bitag Graduation. The most memorable moment of my life. Suot ang aking toga, nakangiti kong tinanggap ang diplomang inilahad sa akin. Nilingon ko pa ang aking mga magulang, sila Antie Andrea, Lola and Lolo Greg na matamis ang ngiti sa akin kasama ang parents ni Heluisse. Sabay kaming gumraduate at kapwa masaya dahil sa wakas ay tapos na ang apat na taon naming pamamalagi sa koleheyo. Kumain kami sa isang enggrandeng five star restaurant. Pinag-uusapan na nila iyong kabi-kabilang kompanya na gustong kunin ang aking mga designs. "Why not you build your own company, Cana?" suhestyon ni Antie Andrea na ikinatingin sa akin ng mga magulang ko. Si Heluisse ay sinipat ako sandali pero sumubo rin at napunta sa pagkain ang atensyon. "I am planning to build my own company po pero mag-iipon mun

