Wild "Hey..." Hinila agad ni Slate ang aking beywang nang mamataan niya akong naglalakad sa hallway nang tanghaling iyon. Kumurap ako at namataan ang imahe ni Chaste na naglalakad narin sa aking gawi at nagkakasalubong pa ang kilay nang makita akong kasama si Slate. "Lunch?" Ang kamay ay umakbay na sa akin. Naamoy ko agad ang mint sa kanyang bibig nang yumuko siya para sabihin lamang iyon ng malapitan. "I'm not hungry, Slate..." banayad kong sabi at tinanggal ang pagkakaakbay niya. Nakavarsity parin ito at medyo pawisan pa pero humahalo lang ata ang kanyang pawis sa nakakaakit niyang pabango at mas lalong nagpapagwapo sa kanya. "Diet?" Sinipat niya ang aking katawan. Wash day kaya nakapumps ako, fit na pants at top na may floral designs. Nagiging klaro ang aking malalalim na collarb

