Kasi mahal Yakap yakap ko ang nakabalot na comforter sa aking katawan habang humihikab sa umaga. Uuwi na kami at nagsisimula na silang maghakot ng mga gamit maliban sa dalawang tent na hindi parin nahahakot dahil tulog pa ang mga naroon. "Gisingin mo," utos ni Kuya Grey kay Kuya Toshi at nginuso iyong tent ng kambal. "Isa isa tayo," saka niya tiningnan ang malawak na dagat at nagkatinginan ulit ang dalawa. Hindi nagtagal, binubuhat na nilang dalawa ang kambal na mahimbing na natutulog at walang ano ano'y itinapon sa dagat. Nag-apir agad sila at saka tumalikod. Halos mangapa si Blue na nagising na ang buong diwa ganoon rin si Red na parang bolateng inasinan. Nagawa pa silang kunan ng litrato ni Zera. Natawa ako sa ekspresyon ng dalawa. "Akala ko talaga nakaligo na naman ako sa sari

