Sign Sa sumunod na subject, natuwa ako nang naging kaklase ko si Franca. Naging seatmate ko siya at minsan, nakakailang ang paninitig niya sa akin. Ang kanyang mga mata ay parang CCTV na kahit hindi mo sabihin sa kanya ang pinaggagawa mo, mahuhuli niya parin. "Ano iyong pinuntahan niyong lugar kanina ng pinsan ko? Anong ginawa niyo roon?" tanong niya sa kanyang malambing na boses habang ang mga mata ay nanatili sa mga gamit na inilalabas niya. "H-Huh?" Kinulikot ko agad sa aking isipan kung paano niya kami namataan roon. "Nakita ko kayo. Kanina." saka niya ako nilingon, "nagkiss kayo doon 'no?" Atake niya sa mas malambing na tono ng pananalita na ikinailing-iling ko agad. "Talaga? Mukhang hindi ka rin naman kasi marunong." kibit-balikat niya at dinampot ang kanyang ballpen para mag

