Type Hindi ko alam kung anong mararamdaman pagkatapos noon. Para akong nahihiya na kinakabahan at nadidismaya dahil parang masyado iyong kulang. Naging tahimik siya ng ilang sigundo at nakasandal nalang sa upuan, nakatingala at nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung tulog ba siya o ano. Nahawakan ko ang sarili kong dibdib nang hindi ko na makalma ang pagpintig noon. Para akong aatakihin sa puso at kakagaling sa pagtakbo kaya ganoon nalang iyon kabilis. "If I found out you did that with that jerk named Aries, I'll seriously spit your secret Cana Aleyna. Ako mismo ang magsusumbong sa'yo sa mga pinsan at magulang mo." Nagbabanta na ang galit na boses na iyon kahit na hindi naman siya dumidilat. Ang panga ay nakaigting at hindi humuhupa ang karahasan doon. "P-Pero bakit-" Mabilis s

