Useless Hindi mapanatili ng mga modelo ang tingin sa akin at palaging napapalingon sa direksyon ni South na nasa gilid lamang, naghihintay sa akin habang nakahalukipkip. "Akala ko talaga sila ni Frances..." "Ako rin eh. Kaya pala palagi siyang nandoon sa interview dahil kay Miss Cana." "Napanood ko rin iyong mga viral nilang videos. Nililihim lang pala talaga..." "Oo eh, may bahay na nga at si Architect pa ang nagdedesign noong kompanya ni Miss Cana." "Ako ang nahihiya kay Frances. Ipinagmalaki niya lang ang kalandian niya. Siya pa itong may paiyak iyak pero siya pala ang nakikisawsaw." Isa iyon sa mga bulung-bulungan ng mga modelong nasa isang venue. Lumapit ako ng tuluyan sa kanilang dako na ikinaiwas ng tingin nilang lahat kay South at agarang napunta sa akin. Pinasalamatan

