Tuso South's statement gone viral. Kalat na kalat iyong interview namin sa social media at pinagpipyestahan nila. May mga trending pa na AGuyLikeArchitechBuenaventura pa at hindi ko na halos maisa isa ang mga babaeng kinikilig sa kanya. Isa narin sa nagviral iyong sagutan namin ni Frances. Kalat na kalat iyon at marami ang nagulat sa inasta ko. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam ko namang may sasabihin talaga sila gaano ka man kabait. Hindi na ako magtataka kung susugurin na naman ako ng mga pinsan ko rito at sesermonan ako pagkatapos ng mga nangyari. Kaya noong pababa na ako sa enggrandeng hagdan, inaasahan ko na talaga ang kanilang mga imahe pero ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko sa sala ang lima kong mga pinsang lalake, nakasalikop ang

