"Are you sure?" tanong nito, halos pabulong. Habang ang mga kamay nito ay nakahawak pa rin sa beywang n'ya. Hindi pa rin ito makapaniwala. She nodded. "Yeah," ulit niya. Ang dim lights ang sa jwarto ang nagsilbing saksi sa gabi nilang dalawa. Hindi lang iyon dahil sa nakainom sila ng alak, kundi gusto niyang iparamdam rito na gusto niya rin si Ed, simula pa lang noong una. Or mas tamang sabihin na napansin niya ang nararamdaman nito para sa kanya noong nasaktan siya dahil sa ginawa ni Kurt sa kanya. Hinaplos ni Ed ang kanyang pisngi, ang titig nito ay puno ng pagmamahal at pag-iingat. Parang may gustong sabihin si Ed ngunit hindi nito mahanap ang tamang mga salita para mabigkas iyon. Sa halip, unti-unti itong lumapit at muling hinalikan s'ya nito, maingat ang bawat halik na binita

