Nabigla siya ngunit bago pa siya makapag-isip kung paano itutulak ito, naramdaman niyang lumalalim na ang halik ni Ed, tila sinasabayan na nila ang rhythm ng music at ang epekto ng alak. Kahit nag-aalangan, natagpuan niya ang sarili na humawak sa batok ni Ed. Ang damdamin niyang matagal nang itinatago, unti-unting bumigay. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nakita niya ang pamumula sa mukha ni Ed, halatang nagulat din ito sa sarili niyang ginawa. Ngunit bago pa makapagsalita ang alinman sa kanila, biglang napansin n'ya ang ilang mga tao sa paligid na nakatingin sa kanila, may iba pa ngang nagpapalakpakan at sumisigaw ng “More! More!” "Teeny... I... I didn't mean to—" bungad ni Ed, ngunit pinutol niya ang dapat ay sasabihin pa nito, nakangiti at namumula rin siya dahil sa init na n

