Pinapagalitan ni Nanay Jen si Kiray matapos malaman na hinayaan ako nitong pumunta sa club. Pinapalo n'ya ng stick si Kiray sa pwet. Sa harapan pa mismo nina Mommy at Daddy. "Halika nga rito!" sabi pa ng matanda. Biglang nagsalita si Daddy. "Nanay Jen, tama na 'yan." Tumigil naman ang matanda sa pagpalo kay Kiray. Dahil nga ito ang kasama ni Innah, ito rin ang may kasalanan kung bakit ito naroon. Panay pa rin ang iyak ni Kiray. Hawak nito ang kanyang pwet. Lumapit ito kay Daddy at magkalapat ang mga palad nito habang humihingi ng tawad. Walang emosyon na nakatingin sa kanya ang Daddy, magka-krus ang mga braso. "I'm sorry, Sir. Sabi kasi sa akin ni Miss Innah ay pupunta siya mag-isa kapag hindi ko siya sinamahan. Kaya sumama po ako," humihikbi na paliwanag ni Kiray. "I am not blam

