ALISTAIR'S POV Tuwang-tuwa ang mga tao sa bahay nang bumisita ako. Sa likod bahay nga ako dumaan para surprise kina Mama. "MISTER ALI is here!" tili ng mga kasambahay namin ng matanaw ako sa labas ng bintana. "Ali.." sigaw ni Mang Boy, ang katiwala ni Daddy. Kumaway ako mula sa labas ng makita ko sila sa loob. Exited sila pero mas excited akong umuwi ng bahay. Kung ganito ang mga sasalubong sa akin. "Gwapo pa rin kahit kailan ang Ali natin," masayang sambit ni Lyn, isa sa mga matagal na kasambahay na namin. Makulit, medyo OA pero masunurin. "Oo naman alam ko. Bakit kailangan mo pang isigaw? Ang sakit tuloy ng tainga ko," saway ni Nanay Daisy, isa sa katiwala sa bahay, matanda na ito. Nakangiti sa akin sina Mama at Papa habang naghihintay sa mesa na makalapit ako. "MISTER ALI! Paya

