Kinagabihan, sa isang sikat at mamahaling restaurant ko dinala si Dad. Nauna na doon si Mom, Kiray at Nanay Jen. Nakatayo si Daddy malapit sa glass window at nakatanaw sa labas niyon. Pinagmasdan n'ya ang mga nagkikislapan na ilaw sa city. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi n'ya kami nahalata na palapit na kami ni Mom sa kanya. Pagharap n'ya, nagulat siya at napangiti. "Are you stunned, Mr. Gentleman?" tukso ko kay Daddy. Sinulyapan n'ya si Mommy na parang namangha siya rito. "My wife is so beautiful today." Napailing-iling pa siya. Kinikig naman si Mommy. "Innah, choose the dress." Isa itong fitted red dress, na bumagay sa makinis at maputi at porselanang balat ni Mommy. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, abut-tenga ang ngiti ko. Pumunta ako sa likod ni Mommy

