ALISTAIR'S POV Nasa skwelahan ako, dahil may activities kami na dapat gawin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen niyon, si Mama. Pinindut ko kaagad ang answer button at itinapat sa taenga ko. Gumagaralgal na boses nimg nasa kabilang linya ang narinig ko. "Ali. Ang Papa mo... He's...." Bigla akong nag-alala. "Anong masamang nangyari kay Papa, Ma?" Taranta kong tanong.p Nag-angat ng tingin sa akin ang mga kaibigan ko. Gaya ko ay nag-alala rin sila. "Anong nangyari, Ali?" tanong ni Kassy. "Si Papa," tipid na sagot ko. Matapos marinig kung saang hospital dinala si Papa ay binaba ko na agad ang tawag. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na kailangan kong umalis. "I need to go," nagmamadali akong naglakad palabas ng library. "Ingat, Ali. Balitaan mo kami,

