Habang sa bahay naman nila Ali ay may bagong dating na sasakyan. Lumabas si Teeny, ang ina ni Ali. "Sino ang hinahanap mo?" tanong ng Mama n'ya, may kasama kasi itong dalawangg bodyguard. Nakasuot ng suite ang lalaking kaharap nito. Imbes na sumagot ay may kinuha ito sa kanyang bulsa.Lumapit ito, may inabot na isang ID Card. Habang tinitingnan ni Teeny ang card, nagpakilala ang lalaki. "Ako ang lawyer ni Mr. Fuentes." Nanggigil ito nang marinig ang pangalan ng gagong iyon.. Tinawag nito si Mang Boy. "Mang Boy! Mang Boy!" "Yes, Ma'am." Tumakbo agad si Mang Boy at Ly palabas ng bahay. "Madam?" Tinapon ni Teeny ang card at tinapaktapakan n'ya iyon sa sobrang panggagalaiti. "Bakit po, Madam?" "Tawagin mo ang mga trabahante natin." Nagmamadali na umalis si Mang Boy. Naiwan si Ly

