Pagkatapos ng dinner, naglakad sila ni Ed sa tabi ng ilog. Tahimik ang gabi, ngunit hindi mawala ang kaba sa dibdib ni Teeny. Pilit niyang ini-enjoy ang sandali kasama ang kanyang nobyo pero ang sinabi ng kapatid n'ya at ang pangungulit ni Kurt ay patuloy na gumugulo sa isip niya. "Teeny," tawag ni Ed habang hawak ang kamay niya. "You seem distracted. Is there something you want to talk about?" Saglit siyang natigilan. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Ed, at doon niya napagtantong hindi niya kayang itago rito ang nabanggit ng kapatid. "Ed," simula niya, huminto sa paglalakad. "There's something I need to tell you." Tumigil din si Ed at hinarap s'ya. "What is it?" "Si Kurt..." Huminga siya nang malalim. "He knows about us. And... he's looking for me." Nagbago ang ekspresyon

