ALISTAIR'S POV Sa corridor kami ni Tito Ed tumambay habang nag-uusap sina Tita Teeny at Innah. "Salamat, Ali. Be proud, ikaw lang ang kauna-unahang tao ang nakasundo ng anak ko," sambit ni Tito, ng kaming dalawa na lang. "Talaga po Tito?" Nahihiya kong tanong. Hindi ko man lang "Kaya maaabala na kita nito palagi." "Okay lang ho 'yun Tito. Kung ano man po 'yung ginawa ko ngayon, kulang pa nga 'yun kumpara sa tulong na ibinigay n'yo kay Papa, Tito Ed." "Alam mo ang tungkol doon?" nagbago ang ekspresyon ni Tito Ed. "Kaya kung may kailangan po kayo, masaya po akong tumulong." Napangiti si Tito Ed sa sagot ko at marahang tinapik ang aking balikta. "Napakabuting bata mo talaga,Ali," aniya, saka tumingin sa direksyon nila Tita Teeny at Innah. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero

